January 04, 2026

Home BALITA National

CDO solon, kinuwestiyon mas maliit na pondo sa VisMin kumpara sa Luzon, NCR

CDO solon, kinuwestiyon mas maliit na pondo sa VisMin kumpara sa Luzon, NCR
Photo courtesy: screengrab HOR, Pexels

Inalmahan ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang muling mababang alokasyong ibinigay sa Visayas at Mindanao mula sa 2026 national budget.

Sa pagdinig ng nasabing pambansang pondo para sa 2026 noong Martes, Agosto 19, 2025, tahasang kinuwestiyon ni Rodriguez ang maliit na pondo para sa Visayas at Mindanao.

“Mindanao has a population of 26 million Mindanaoans, and that is exactly 22.3% of the December figure of the Philippine population of 116 million,” ani Rodriguez.

Kaya naman paglilinaw niya, “Why is Mindanao getting smaller in terms of budget?”

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Ayon sa  Department of Budget and Management (DBM) 15.4% ang pondong nakalaan para sa Mindanao at 11.1% mula sa total budget ang makukuha ng Visayas. Habang nasa 24.4% naman ang laan para sa Luzon at 13.3% ang para sa National Capital Region (NCR).

Giit ni naman ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, may mga pondo raw na idinidiretso na sa ilalim ng Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). 

“In prior years, we don’t have the Bangsamoro Organic Law. So, some of the projects po that should be given to the five…six provinces po is not included in the total national budget. Because we have provided a some of money to the Bangsamoro Region as provided under the Bangsamoro Organic Law,” ani Pangandaman.

Subalit, muli namang iginit ni Rodriguez na bagama’t nagkaroon na raw ng alokasyon para pamamahala ng Bangsamoro, kumpara noong mga nakaraang taon, hindi raw bumaba ang pondo para sa Mindanao.

Ayon kay Rodriguez, noong 2022 ay nakatanggap na hiwalay na ₱2 bilyong pondo ang Bangsomoro ngunit nanatili naman daw sa 16.6% ang pondo para sa Mindanao—bagay na malayo sa nangyayaring pondong inilalaan sa kanila noong 2025 at sa isinasalang na 2026 national budget.

“This is a decreasing trend!” ani Rodriguez.

Hirit pa niya, “We are not going against Luzon. But we will ask that we improve the figures and the percentages of Mindanao by having the Central Office give that to the regions where the projects are needed.”