Ikinasal na ang actor-turned-rapper na si Carlos Agassi sa jowa niyang si Sarina Yamamoto.
Sa Facebook post ni Carlos kamakailan, ibinahagi niya ang mga larawang kuha sa kasal nila ni Sarina habang sinasariwa niyang pinakamemorableng araw sa buhay niya.
“The most memorable day of my life is when I met my wife. I said deep inside, hopefully she will agree to marry me someday and here we are close to 7 years later, happily ever after!” saad ni Carlos.
Dagdag pa niya, “Fulfilling her dreams which is now our dreams, 4x4 car, new house with fresh air near the beach, river & mountains surrounded by positivity. Praying for a baby. Just like all of you, gustong gusto namin but all in Gods time.”
Sa ngayon, patuloy silang nagtatrabaho nang mabuti para sa kani-kanilang goald sa buhay.
“Sabi nga ni Father may forever sa marriage & we both agree. I love you so much Mrs. Sarina Agassi!I just pray everyday that I can make you the happiest! Thanks for all the love, patience, and trust!” pahabol pa ni Carlos.
Kaya naman tila nabigo ang mga basher nina Sarina at Carlos na paghiwalayin sila. Matatandaang noong Enero lamang—sa gitna ng showbiz breakups—bet na bet ng mga netizen na mag-split na ang dalawa.
Pero sagot ni Carlos, “Mga gusto kaming maghiwalay wala na Kayo sa mundo kami padin ng wify ko!”
MAKI-BALITA: Carlos Agassi sa bashers: 'Wala na kayo sa mundo kami pa rin ng wify ko!'