December 13, 2025

Home BALITA National

ACT Teachers Rep. Tinio, binatikos si VP Sara: 'Worst DepEd secretary ever!'

ACT Teachers Rep. Tinio, binatikos si VP Sara: 'Worst DepEd secretary ever!'
Photo courtesy: via MB

Binanatan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio si Vice President Sara Duterte matapos ang naging pahayag nito kaugnay sa pagiging "paper and pencil" level pa rin ng estado ng edukasyon sa Pilipinas.

Naganap ito sa isinagawang “Hakbang ng Maisug” event noong Agosto 15, sa bansang Kuwait kung saan dumalo ang Pangalawang Pangulo, na naging Department of Education (DepEd) secretary mula Hunyo 30, 2022 hanggang Hulyo 19, 2024.

Binanggit niyang habang ang ibang bansa ay nagsisimula nang magturo ng robotics at coding sa mga batang may edad tatlo o apat, marami pa ring estudyante sa high school sa Pilipinas ang hindi pa marunong bumasa.

Binigyang-diin din ng VP ang matinding krisis sa pagkatuto sa bansa, na matagal nang binabala ng UNICEF.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Batay sa datos noong 2019, nasa 90% ng mga mag-aaral sa Grade 5 ang hindi nakababasa sa antas na inaasahan, habang 83% naman ang nahihirapan pa rin sa mga batayang konsepto ng matematika.

Kaugnay nito, nagbigay-reaksiyon naman si Tinio kay Duterte na tinawag na "worst DepEd secretary ever."

Tinukoy ni Tinio na sa ilalim ng pamumuno ni Duterte sa DepEd, nabigo ang ahensya na magbigay ng sapat na aklat-aralin sa mga mag-aaral, base na rin sa ulat ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) na nagsabing nasa 17% lamang ang disbursement rate ng programa para sa textbooks.

"Vice President Duterte has the audacity to criticize the education system when she herself is the worst DepEd secretary ever,” aniya.

“VP Duterte even failed to deliver even a tiny fraction of what was expected of her during her tenure as Education Secretary.”

“Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho," dagdag pa.

"How can she complain about our students lacking access to modern technology when she couldn’t even ensure they had basic textbooks and learning materials? Paano niya nasabing kulang tayo sa teknolohiya eh hindi nga niya naibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyante?"

Dagdag pa ni Tinio, mas inuna pa raw ni Duterte ang pagkakaroon ng confidential funds kaysa sa pagtugon sa krisis sa edukasyon ng bansa.

"Mas inatupag pa niya ang confidential funds sa DepEd sa halip ang learning crisis. You are definitely the worst DepEd secretary ever!!”

“Under her watch, school-based feeding programs achieved only 48% implementation while billions of pesos allocated for education remained unutilized. Ang mga batang gutom at walang aklat, paano matututo ng robotics at coding?”

“She speaks of high school students who cannot read, but conveniently ignores that this learning crisis worsened under her leadership. The UNICEF statistics she cites are an indictment of her own performance, not just the educational system."

Samantala, hinamon din ni Tinio ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na tugunan ang krisis sa edukasyon.