December 15, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Trailer ng Pelikulang 'Quezon,' inilabas ng TBA Studio sa kaarawan ni MLQ

Trailer ng Pelikulang 'Quezon,' inilabas ng TBA Studio sa kaarawan ni MLQ
Photo courtesy: TBA Studios (FB)

Ipinagdiriwang ngayon ang ika-147 selebrasyon sa araw ng kapanganakan ng dating pangulo na si Manuel L. Quezon.

Isinabay ng TBA Studio, nangungunang film-production sa Pilipinas, ang paglalabas ng trailer sa Facebook ng pelikulang Quezon ngayong Martes, Agosto 19, 2025.

“I am the Philippines,” panimula sa caption nila sa caption.

“Set during the rise of the Republic, QUEZON is the untold story of the man who dared to declare himself the nation — and the power struggle that changed history,” dagdag pa nila.

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Makikita sa trailer ang mga pangunahing artistang gaganap sa nasabing pelikula sa pangunguna ng aktor na si Jericho Rosales na gaganap bilang si Manuel L. Quezon.

Pasabog din ang iba pang mga kasama sa pelikula halimbawa nila Karylle Padilla Tatlonghari-Yuzon sa katauhan ni Aurora Quezon.

Bibigyang-buhay naman ng aktor na si Mon Confiado ang katauhan ni Emilio Aguinaldo.

Iba pang listahan ng mga karakter sa pelikula:

Iain Glen bilang Leonard Wood;

Benjamin Alves bilang batang si Manuel;

Aaron Villaflor bilang batang Joven Hernando;

Chris Villanueva bilang ganap na si Joven;

Romnick Sarmenta bilang si Sergio Osmeña;

JC Santos bilang si Manuel Roxas;

Bodjie Pascua bilang Raymundo Melliza;

Angeli Bayani sa katauhan ni Maria Agoncillo;

Joross Gamboa bilang si Eduardo Rusca;

Therese Malvar bilang Nadia Hernando;

Ana abad Santos bilang Carmen Hernando;

Ketchup Eusebio sa katauhan ni Pedro Janolino; at iba pa.

Idinerek ang pelikulang Quezon sa pangunguna ni Jerrold Tarog, ang lumikha ng dalawang naging box office hit na historikal na pelikulang Heneral Luna (2015) at Goyo: Ang Batang Heneral (2018).

Maaari nang bumili ng ticket online sa mga sinehan at naka-sale rin ito ngayong araw ayon sa naturang post.

Ipapalabas ang pelikula sa Oktubre 15, 2025.

Mc Vincent Mirabuna/Balita