December 13, 2025

Home BALITA Politics

Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalagayan ni FPRRD sa ICC

Kitty Duterte, nagbigay ng update sa kalagayan ni FPRRD sa ICC
Photo courtesy: Screenshot from Harry Roque (FB)/MB

May bagong update si Veronica "Kitty" Duterte nitong Lunes, Agosto 18, sa kalagayan ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyan pa ring nasa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa ibinahaging live ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, humarap si Kitty sa mga tagasuporta ng kanilang pamilya sa labas ng ICC, at nagbigay ng update sa kalagayan ng ama.

Saad ni Kitty, nasa maayos na lagay ang kaniyang ama, at ang unang ginawa raw nito nang makita siya ay pinuri ang kaniyang suot na duster.

Nagpaabot din siya ng pagbati sa lahat ng mga tagasuporta niyang halos araw-araw na nagsasadya sa labas ng ICC at nagpupunta sa "Duterte Street" para ipakita ang kanilang pagsuporta at pagmamahal sa kaniya.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Masaya rin daw ang dating pangulo na nasa maayos na kalagayan ang kaniyang pamilya.

Nakipag-selfie naman si Kitty sa Duterte supporters na naroon.

"So mukhang okay naman si Tatay Digong, mukhang okay rin na naka-duster si Kitty nang bumisita kasi parang sila ay nasa bahay lamang, well, masaya na malungkot, masaya dahil nagkita sila, malungkot dahil siyempre, parang nasa bahay lamang sila," saad naman ni Atty. Harry matapos ang update ni Kitty.

Samantala, ibinigay naman ni Atty. Harry ang summary ng sinabi ni Kitty patungkol sa update sa dating pangulo, na mababasa sa kaniyang Facebook post.

"Pinuri ni Tatay Digong ang suot na duster ni Kitty."

"Masaya si Tatay Digong na maayos ang kanyang pamilya: 'He is happy to hear the family is doing well.'"

"Nagpasalamat si Tatay Digong sa mga Pilipino na naghihintay sa Duterte Street: 'He sends his warm love and regards… He says, no regrets and no apologies. He did what is good for his country.'"

Noong Agosto 14 ay nagpasalamat naman si Kitty sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya. 

“To all the supporters, I would like to thank you and express my gratitude sa patuloy niyong pagsubaybay. And ayon, just for showing up everytime, salamat sa inyo, God bless you and mabuhay kayong lahat,” saad nito sa video.

KAUGNAY NA BALITA:  Kitty Duterte, nagpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya