December 13, 2025

Home BALITA National

PBBM, hinikayat healthcare workers na huwag umalis ng bansa

PBBM, hinikayat healthcare workers na huwag umalis ng bansa
Photo courtesy: PTV Philippines, (Youtube screenshot), Unsplash

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang healthcare workers na manatiling magsilbi sa bansa sa kaniyang talumpati sa Ormoc, Leyte noong Lunes, Agosto 18.

“For the first time in the Philippines, every single municipality and every single city has a doctor now, kaya ‘yon ang isang bagay na napakaimportante,” aniya.

“Alam mo naman ‘yong ating mga nurse, ating mga doctor, ang iniisip eh umalis, at magtrabaho sila sa abroad. But we are encouraging them to stay. And Pilipino naman ‘yan, of course they want to help their own people,” panghihikayat ng Pangulo.

Pinangunahan ni PBBM ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamahagi ng 124 Patient Transport Vehicles (PTV) sa Leyte at mga karatig lalawigan sa Region VIII bilang parte ng layunin ng gobyerno na magkaroon ng emergency medical transport ang bawat probinsya, lungsod, at munisipalidad sa bansa.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Sa kasalukuyan, ang PCSO ay mayroon nang napamigay na 1,297 PTV sa buong bansa, kung saan, ito’y kumpleto sa kagamitang medikal tulad ng stretcher, oxygen tanks, wheelchair, at first aid kit.

Idinagdag din ng Pangulo na patuloy itong ilulunsad hanggang bago matapos ang taon, kung saan, sisimulan na rin ang pangalawang round ng distribusyon, kung saan babalikan ang 1,642 na mga bayan at lungsod na nabigyan ng PTV at hanggang sa maging maayos ang sistema.

Sa kaugnay na balita, ang mga initiatibong ito ay layuning mapagyabong ang Universal Health Care Act na unang nilagdaan noong 2019, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at mga Local Government Unit (LGU).

Sean Antonio/BALITA