December 13, 2025

Home BALITA National

Ililipat pondo sa DepEd? Sen. Win binalaan DPWH sa ‘ampaw’ na flood-control projects

Ililipat pondo sa DepEd? Sen. Win binalaan DPWH sa ‘ampaw’ na flood-control projects
Photo courtesy: Senate of the Philippines (YT)

Binantaan ni Senator Win Gatchalian ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi sila magdadalawang-isip na hindi bigyan ng budget ang ahensya, at ilipat na lang ang nakalaan para dito sa sektor ng Edukasyon, sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na ginanap ngayong Martes, Agosto 19.

“Hindi ho kami magdadalawang-isip i-zero ho ito at ilagay na lang ho sa mga eskuwelahan kung itong flood control ay magiging ampaw lang na flood control, at hindi ho magiging epektibo,” saad ni Gatchalian.

Nakiusap din ang senador sa kalihim ng DPWH na si Manuel Bonoan na itigil na ang paulit-ulit na isyu patungkol sa kanilang mga proyekto.

“Ang aking pakiusap po kay Secretary Bonoan, tama na ho ‘yong paulit-ulit na problema, dahil nasasayang po ‘yong ating pera,” aniya.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“This 2026, hindi na ho puwedeng business as usual. Hindi na ho natin puwedeng ulit-ulitin ‘yong ginagawa ho natin sa loob po ng napakaraming taon na,” dagdag pa nito.

Inamin naman ng senador na kahit sila sa Valenzuela ay walang takas sa panganib ng pagbaha.

“Kami rin po sa Valenzuela, hindi rin po kami ligtas sa baha. Noong 2024, kami rin po ay nagkaroon ng halos 2000 na mga evacuees dahil binaha ho kami sa Bagyong Carina. This year, another 2000 rin po dahil binaha po kami ulit,” pag-amin nito.

“Sa pag-ikot ho namin sa iba’t ibang parte ho ng ating bansa, katulad po sa Bulacan, sa Calumpit at sa Hagonoy, ganoon rin po ang nararanasan ho nila. Hindi lang isang beses, hindi lang dalawang beses, napakatagal na ho, deka na ‘yong nararanasan nila sa baha,” dagdag pa niya.

Sinilip naman ni Sen. Gatchalian ang ₱274 bilyong pondong nakalaan para sa flood control project para sa taong 2026.

“Kung gagastos ho tayo ng ₱274 bilyon sa ampaw at hindi epektibong proyekto, ilagay na lang ho natin sa paaralan, dahil ‘yan po ‘yong aming ipinaglalaban ni Sen. Bam Aquino, para po makumpleto na ho natin ang mga pagkukulang ho natin sa paaralan,” ani Gatchalian.

Inilahad din ng senador na gumastos na ang pamahalaan ng halos ₱1.4 trilyon sa loob ng limang taon para sa flood control projects, ngunit wala umano nakikitang resulta at hindi nararamdaman ng mga Pilipino.

Giit ni Gatchalian, ito raw ay magreresulta sa mga Pilipino ng pagkawala ng tiwala at kumpiyansa sa pagbabayad ng buwis kung nakikita nilang ang ibinabayad nila ay mapupunta lamang umano sa mga ampaw at hindi epektibong proyekto.

Samantala, inamin din ni Bonoan na may "ghost projects" na naibigay sa Wawao Builders, Inc. na nagkakahalagang 

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ₱5.9B flood-control projects ng Wawao Builders!

Vincent Gutierrez/BALITA