December 13, 2025

Home BALITA Politics

Harry Roque, nagsalita na sa bardagulan issue dahil sa 'humba'

Harry Roque, nagsalita na sa bardagulan issue dahil sa 'humba'
Photo courtesy: Screenshots from One PH/Alvin and Tourism (FB)/Cecil M. Arceño (FB)

Nilinaw ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na hindi pagkain ng humba ang ugat ng pinag-usapang viral video ng umano'y alitan nila at ng ilang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng isang programa, sinabi ni Roque na bagaman aminado siyang paborito niya ang naturang putahe, hindi ito ang sanhi ng kanilang pagtatalo.

Ayon kay Roque, matagal nang may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga grupong sangkot kaya nauwi sa tensiyon ang kanilang pagkikita sa The Hague.

"Talagang gustong-gusto ko ang humba," aniya.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

"Ewan ko ba kung anong nangyari diyan... tayong mga Pilipino, nakaugalian na natin, hindi dapat nanunumbat pagdating sa pagkain..." paliwanag ni Roque.

"Pero ang nangyari po talaga diyan, sa Duterte Street, ay mayroon pong nag-birthday... kaniya-kaniyang dala ng pagkain... hindi naman naghanda 'yong birthday celebrant, kundi 'yong iba't ibang grupo, nakaugalian na 'yan..."

"Hindi ko alam na meron na palang nangyayari..." aniya pa, na abala raw sa pakikipag-picture sa mga dumating.

Maya-maya na lamang daw ay may narinig na siyang sumisigaw na isang "DDS" o Diehard Duterte Supporter.

Paliwanag pa ni Roque, matagal na raw iniisyu ng ilang mga tao ang ilang DDS na kumakain o nagsasalusalo sa Duterte Street.

Nang tingnan daw niya kung ano ang komosyon, doon daw napag-alaman ni Roque na larawan pala niya habang kumakain ang pinagtatalunan ng mga naroon.

Sinusumbatan daw siya kung bakit siya nakikikain ng humba na isa sa mga handa sa nabanggit na birthday celebration, samantalang kumuha lang naman daw siya ng tatlong piraso para tikman.

Hindi naman akalain ni Roque na gagawing isyu na raw ito, na tinukoy niyang "bestfriend ni Alvin" o ni Alvin

Sarzate ng "Alvin and Tourism" Facebook page.

Nag-sorry naman daw ang tinukoy ni Roque dahil sa "pagsira" sa birthday ng kaniyang kaibigan.

PALIWANAG NI ALVIN SARZATE

Sa kaniyang Facebook page na "Alvin and Tourism," nauna nang ipinaliwanag ni Alvin Sarzate ang konteksto patungkol sa nabanggit na video. Aniya, hindi pagkain o tungkol sa humba ang ugat ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang grupo.

Ang naging dahilan daw ng tensyon sa kaniyang birthday celebration ay usaping pampolitika at hindi ang inihain nilang ulam.

“Can you imagine the headline? Because of humba, nag-away ang mga DDS? Ang babaw naman kung iyon ang magiging dahilan,” pahayag ni Sarzate sa kaniyang Facebook Live.

Hindi raw siya makapaniwalang mauuwi sa ganoong isyu ang kaniyang 33rd birthday. nakaramdam daw siya ng pagka-shock nang ibalita pa ng mga media outlet ang nangyari.

"Hindi po kami nag-away-away, o ang mga DDS dahil sa humba," aniya.

"That particular contextualization is far from the truth."

"Hindi po kami nag-away dahil sa humba. Nagalit po ang isa nating kababayan kasi I think meron na silang friction ni Aldo, which is normal in this world, where democracy is alive and well," paliwanag ni Sarzate.

Civil daw ang pakikitungo ni Sarzate kay Roque

Ayon pa sa kaniya, humingi rin ng dispensa si dating presidential spokesperson Harry Roque matapos na magkaroon ng mainit na palitan ng salita sa ilang Duterte supporter sa kasagsagan ng salusalo.

Paulit-ulit na nilinaw ni Sarzate na walang kinalaman ang humba sa kung anuman ang pinagtatalunan nila sa nabanggit na video.

Hindi rin daw sila nag-away ni Roque nang mga sandaling iyon.

KAUGNAY NA BALITA: Duterte supporter, nilinaw isyu ng 'awayan' dahil sa humba

Ang humba o pata humba ay isang putaheng katutubo sa Pilipinas na may pata ng baboy, inasnang maitim na munggo, saging na saba, dahon ng laurel, kalamansi, bawang, kayumangging asukal, sili, mani, toyo, oregano, suka, itlog at tubig.