December 14, 2025

Home BALITA National

DOT kinalampag DILG, PNP ukol sa pagkamatay ng 2 Japanese: 'Pursue a swift, thorough investigation!'

DOT kinalampag DILG, PNP ukol sa pagkamatay ng 2 Japanese: 'Pursue a swift, thorough investigation!'
Photo courtesy: Department of Tourism - Philippines (FB), DILG Philippines (FB), Philippine National Police (FB)

Kinokondena ng Department of Tourism (DOT) ang insidenteng ikinasawi ng dalawang Japanese nationals sa Maynila kamakailan.

Tinatawag ng kagawaran ang atensyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng mabilis at mabusising imbestigasyon sa nasabing shooting incident matapos barilin ng riding-in-tandem ang dalawang dayuhan na kabababa lang sa isang taxi sa Malate, Maynila noong Biyernes, Agosto 15.

“We call on law enforcement agencies Department of the Interior and Local Government (DILG), and the Philippine National Police (PNP) to pursue a swift and thorough investigation into the incident,” ani DOT.

"We note with deep concern that recent events have already prompted advisories from foreign embassies in the country’s top visitor source markets, which could adversely affect tourist confidence and the Philippines’ image as a safe and welcoming destination," dagdag pa nila.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Binibigyang-diin ng ahensya ang pagkakaroon ng seguridad sa bansa sapagkat maraming mga manggagawang Pilipino ang nakaasa sa turismo dahil ito ay ang kanilang pangunahing hanapbuhay.

Siniguro naman ng DOT na patuloy ang koneksyon nila sa mga Regional Offices, sa mga Local Government Units (LGUs), at sa mga tourism stakeholders upang palakasin ang seguridad, paramihin ang mga pumapasok na dayuhan, at protektahan ang industriya ng turismo na sumusuporta sa maraming pamilyang Pilipino.

Samantala, inaabot naman ng kagawaran ang pakikiramay sa pamilya ng dalawang nasawing Hapones.

Vincent Gutierrez/Balita