Mahilig ka bang mag-travel at kumuha ng mga litrato?
Ngayong “World Photography Day,” alamin ang pinakamagagandang lugar sa bansa na perfect para sa iyong dream photoshoot!
1. White Beach sa Boracay Island (Aklan)
Sino ba sa Pilipinas ang ayaw makarating sa Boracay? Sa sikat nitong pinung-pinong puting buhangin, kahit mga dayuhan ay pumupunta pa rito sa Pilipinas upang maranasan ang ganda ng world-class beach na ito.
Perfect match din sa puti nitong buhangin ang malinaw nitong tubig na talaga namang nakaka-relax. Isama mo pa ang mga coconut trees na nagbibigay ng “paradise vibes” sa lugar.
Pagsapit ng gabi, worth recording din ang mga ganap dahil mayroong music and dance sessions dito, isama mo pa ang restaurants at bars na magbibigay ng ecstatic feeling sa’yo.
2. Chocolate Hills (Bohol)
Bilang isa sa mga natural wonders ng Pilipinas, isa rin ang Chocolate Hills sa mga patok puntahan ng mga nais kumuha ng magagandang litrato.
Sa kaakit-akit at kahali-halinang tsokolateng kulay nito tuwing tag-init, tiyak mapapa-click ka ng camera!
Marami mang burol sa bansa, Chocolate Hills pa rin ay ang isa sa mga top pick kung ang usapin ay panoramic views; kung kaya’t kinikilala ito bilang UNESCO World Heritage Natural Monument.
3. Puerto Princesa Underground River (Palawan)
Bilang isa sa mga UNESCO World Heritage Site, ang Puerto Princesa Underground River ay hindi maikakailang nangunguna sa pagpipilian!
Sa haba nitong walong kilometro, kahit saan tumingin ay puwede mong kuhaan ng litrato.
Hindi rin matatawaran ang ganda ng mga kuweba rito, na nagkukubli ng mga stalactites, stalagmites, at mga batong may kakaibang formation, na may na akala mo ay hinulma ng kamay dahil sa taglay nitong hugis.
May mga limestone cliffs din dito at beautiful wildlife na tiyak hindi mo palalampasing pitikan!
4. Cloud 9 surfing spot (Siargao Island)
Kilala ang Siargao bilang isa sa mga top destinations ng mga surfing enthusiasts. Dito rin makikita ang Cloud 9, ang isa sa mga pinakasikat na surfing spot sa bansa.
Perfect ang lugar na ito for photography hindi lang dahil sa ganda ng Siargao, bagkus ang mga alon kasi rito ay may magagandang formation na swak for perfect surfing moments!
5. Intramuros old town (Manila City)
Gusto mo bang bumalik sa nakaraan? Kung oo, dalhin lang ang iyong kamera at magpunta na sa Intramuros!
Ang lugar na ito ay literal umanong “time travelling machine,” sapagkat pakiramdam mo ay bumalik ka sa nakaraan kapag nagtungo ka rito.
Mula sa matataas na pader, simbahan, o kahit ang mga guwardiya na animo’y bumalik galing na nakaraan, dahil sa suot nilang mga uniporme.
Upang mas maging memorable ito, siguraduhin lang na pitikan at i-document ang pinaka-hindi malilimutang karanasan mo rito!
6. Mayon Volcano (Albay)
Kung perfection lang din ang pag-uusapan, may bulkang perfect cone ang hugis sa Pilipinas! Dahil perfect ang hugis nito, perfect din ito for photography!
Ang bulkang Mayon ay nagtataglay ng natural na ganda at kahali-halinang dating, kung kaya’t patok ito for photoshoot.
Maaari ding i-anggulo ang iyong kamera na kita ang Cagsawa Ruins, isang simbahan na nasira dulot ng lahar noong pumutok ang Mayon; ngunit nagpapakita pa rin ito ng magandang view for picture taking.
7. Tubbataha Reef diving spot (Palawan)
Ang Tubbataha Reef ay isa ring UNESCO World Heritage site, at kilala sa marine biodiversity na taglay nito. Makikita sa ilalim ng katubigan nito ang naggagandahan at kakaibang species ng iba’t ibang marine animals.
Maliban sa mga ito, world-class din ang mga koral na makikita sa kaibuturan ng tubig na ito, kaya hindi dapat palampasin ang oportunidad na makuhaan ito kung sakaling bumisita rito.
8. Kawasan Falls (Cebu)
Kung nais mo ng isang picturesque na talon, bumisita ka na sa Kawasan Falls sa Cebu!
Kapag binisita mo ito, mararanasan mo ang kulay “turquoise” nitong tubig, na perfect kung gusto mo kumuha ng litrato at mag-relax.
Bukas din ang Kawasan Falls sa iba’t ibang adrenaline-pumping activities, tulad ng sikat na climbing activity na canyoneering.
9. Nacpan Beach (Palawan)
Sikat sa mga magagandang tanawin at tourist spot ang Palawan, at isa na rito ang Nacpan Beach.
Sa relaxing na tubig nito, perfect ito for outing and unwinding!
Picturesque din ang beach na ito, make sure lang to i-practice ang iyong posing skills for better photography!
10. Calle Crisologo (Ilocos Sur)
Subukang bumalik sa nakaraan at bisitahin ang Calle Crisologo sa Vigan City, Ilocos Sur!
Bilang isang UNESCO World Heritage site, isa itong “gem” na matatagpuan sa hilagang Luzon.
Sa mga historical nitong imprastraktura, tiyak dama mo na tila bumalik ka sa panahon bago sakupin ng mga dayuhan ang ating bansa.
Swak din ito sa mga nais kumuha ng mga litratong may vintage vibes!
Vincent Gutierrez/BALITA