Umani ng samu’t saring mga reaksiyon at komento ang viral video ng ilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) beneficiaries hinggil sa umano’y pandaraya nila sa paglilinis.
Sa video na nagkalat sa social media, mapapanood ang kumpulan ng nasabing ilang TUPAD beneficiaries sa isang eskinita.
Ilang sandali pa, mapapanood kung paano itinaob ng isa sa kanila ang basurahan na puno ng mga kalat at basura. Matapos ang pagkakalat, saka muli nilang winalis ang mga kalat upang mapatunayan umanong sila ay naglilinis.
Ang TUPAD ay programa ng pamahalaan kung saan ang bawat benepisyaryo nito ay kinakailangang tumugon sa mga community clean-up, clearing operations at mga pampublikong rehabilitasyon, kung saan sila nakakatanggap ng buwanang payout mula sa gobyerno.
Bunsod nito, tila hindi tuloy naiwasan ng netizens na putaktihin ng mga komento ang naturang video.
“Wala ng pag-asa! Mas pinopondohan pa ng gobyerno mga mandurugas na mga ‘yan!”
“Yung niloloko tayo ng gobyerno tapos sila nakikipaglokohan din sa gobyerno.”
“Pwede naman pala ganito, bakit need pa magtrabaho?”
“Awtpit check! Lights, camera, walis!”
“New dream job, lol”
“Kawawa ang mga taxpayer na nagpapasahod sa inyo mga t*nga!”
Samantala, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) tinatayang nasa ₱11 bilyon ang kabuuang nakalaan para sa programang TUPAD sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
KAUGNAY NA BALITA: 'Tamad hindi TUPAD?' ₱11-B pondo para sa TUPAD, ikinagigil ng netizens