December 18, 2025

Home BALITA

Solon, iminungkahi 'lifestyle check' sa ilang tauhan ng DPWH!

Solon, iminungkahi 'lifestyle check' sa ilang tauhan ng DPWH!
Photo courtesy: Eli San Fernando/FB, DPWH

May suhestiyon si Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando hinggil sa umano'y anumalya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pamamagitan ng Facebook post noong Linggo, Agosto 17, 2025, tahasang iginiit ni San Fernando na mas mainam daw na ipa-lifestyle check ang mga direktor at engineers ng nasabing ahensya.

"Ipa-lifestyle check lahat ng DPWH Regional Directors at District Engineers," anang mambabatas.

Dagdag pa niya, "Ipabukas pati mga bank accounts!"

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

Kaugnay nito, iginiit din niyang dapat umano itong gawin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kung totoo raw itong nagnanais na mapanagot ang naging korapsyon sa flood control project.

"Naglalabasan na lahat ng mga palpak na flood control & infra projects. Imposibleng hindi alam ng mga yan kung anong nangyayari. Mr. President, kung seryoso ka talaga itodo mo na. Walang gustong umamin sa kalokohan nila edi patugain natin!" saad ni San Fernando.

Saad pa niya, mas mainam daw na paaminin na ang mga may alam sa nangyaring anomalya sa implementasyon at konstruksyon ng flood control project.

"Kung walang umaamin, paaminin. Kung walang tumutuga, patugain. Gamitin ang buong kapangyarihan ng gobyerno para dito. Kung gusto at seryoso talaga si PBBM sa pagsugpo sa korapsyon, kayang-kayang resolbahin ang problemang 'to sa mabilis na panahon," aniya.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'