Palaisipan sa mga netizen ang larawang ibinahagi ni Kapuso star Carla Abellana na makikita sa kaniyang Instagram post kamakailan.
Makikita kasi sa larawan ang mga sapatos mula sa isang babae at sa isang lalaki.
Ang isa, na may sapatos na pambabae, hinuha ng mga netizen ay kay Carla.
Ang pares ng paa naman ay tila may sapatos na panlalaki, kaya ang palagay ng mga netizen, tila flex na ito ni Carla sa kaniyang "date."
Walang ibang caption na inilagay si Carla dito kundi tatlong purple heart emoji.
Kinilig naman ang mga netizen sa comment section at bumuhos ang mga mensahe para sa kaniya. Finally daw, matapos ang naging hiwalayan nila ng dating mister na si Tom Rodriguez, ay muklang luma-love life na ulit ang aktres.
"finally nice one idol so proud of you and omg who is he ??? yan na ba yung ano mo ayieee sobrang kiling naman ako idol"
"This makes me sooo happy"
"Wow naman idol I don't know idol basta maging masaya ka idol masaya rin ako kasi you deserve naman so happy for you."
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng soft launch si Carla hinggil sa kaniyang pakikipag-date.
Noong Hulyo, ipinakita niya ang larawan habang tila nasa isang dinner.
KAUGNAY NA BALITA: Carla Abellana, may bago ng jowa?
Hindi naman makikita sa nabanggit na larawan kung sino ang kasama niya.
Sa panayam naman sa kaniya ni Boy Abunda noong Enero, sinabi niyang handa na raw ang puso ni Carla para umibig ulit.
KAUGNAY NA BALITA: Carla Abellana, bukas na ang pusong magmahal ulit?