December 13, 2025

Home BALITA Politics

Sen. Bam Aquino, sinariwa alaala ni Jesse Robredo sa 13th death anniversary

Sen. Bam Aquino, sinariwa alaala ni Jesse Robredo sa 13th death anniversary
Photo courtesy: jpgrobredo (IG), Bam Aquino (FB)

Nagbalik-tanaw si Senador Bam Aquino sa mga aral na iniwan ng dating Interior Secretary na si Jesse Robredo ngayong Lunes, Agosto 18, 2025.

Mababasa sa Facebook post ni Senador Aquino kung gaano pa rin umano kalinaw ang mga aral na dinulot ni Robredo sa kaniyang pamumuno bilang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), kahit na 13 taon na nang ito ay sumakabilang-buhay.

“Labintatlong taon na mula nang mamaalam si Sec. Jesse Robredo, pero hanggang ngayon, malinaw pa rin ang aral ng kanyang pamumuno — simple, bukas, at tapat. Isa siyang lider na kahit gaano ka-busy, palaging may oras para sa tao,” ani Aquino sa caption.

“Kahit limang minuto lang, siguradong makikinig siya. At sabi ko noon pa, kung muling mabibigyan ng pagkakataong maglingkod, gusto ko ring dalhin ang ganitong klase ng malasakit at bukas na pamamahala,” dagdag pa niya.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Idiniin din ni Aquino ang “2Ms” ng dating DILG secretary, na ito raw ay isang gabay para sa mga lingkod-bayang may tunay na hangarin na magsilbi sa taumbayan.

Ang kanyang ‘2Ms’ na Matino at Mahusay ay gabay para sa mga lider na tunay na nagsisilbi.

: malinis at tapat, siguradong ang pera ng bayan ay para sa bayan.

: may resulta, may epekto sa buhay ng tao.

Idinagdag pa ni Senador Bam ang isa pang “M,” na tumutukoy sa “Malasakit.”

“Nais lang natin idagdag ang isa: . Dahil kung walang tunay na malasakit sa taumbayan, kulang ang pamamahala,” aniya.

Inilahad din ng senador na sa kasalukuyang estado ng bayan, mahalaga na balikan at alalahanin ang mga aral na itinuro ng dating lingkod-bayan.

“Sa panahong maraming tanong ukol sa paggasta ng pondo ng bayan, mahalagang balikan ang aral na iniwan ni Sec. Jesse. Ang kanyang buhay at halimbawa ay paalala na posible ang pamumunong Matino, Mahusay, at may Malasakit,” anang Aquino.

“Hiling natin na mas dumami pa ang mga lingkod-bayan na gaya niya. Inspirasyon siyang patuloy kong pinaghuhugutan bilang lingkod-bayan, at isang legasiya na dapat isabuhay nating lahat,” dagdag pa niya.

Matatandaang pumanaw ang dating kalihim ng DILG noong Agosto 18, 2012 matapos ang isang airplane crash.

Si Jesse Robredo rin ang asawa ng dating Vice President Leni Robredo, na ngayon ay Naga City mayor.

Vincent Gutierrez/BALITA