Sa kulturang Pinoy, tinatangkilik madalas kung alin ang mura at abot kayang mga bilihin. Nalalapit sa usaping ito ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa ukay-ukay.
Ngunit paano kung ang ukay-ukay na sinusuot mo ay may dala-dalang demonyo?
Ito ang ibinahagi ni Anna Grace Revalde - Padillo sa kaniyang Facebook post kaugnay sa ukay-ukay na nagbigay sa kaniya ng tatlong beses na malagim na pangyayari.
Ipinakilala ni Anna Grace ang kaniyang sarili bilang isang pastor at negosyante ng ukay-ukay.
Sa kaniyang post noong Agosto 13, binigyan niya ng babala ang mga tao na magawa munang ipagdasal ang kanilang isinusuot na ukay-ukay bago nila ito gamitin.
“This is one of the rarest warnings you've ever read. Ipagdasal muna ang iyong biniling ukay-ukay bago mo isuot[...] madress man o kahit na stuffed toys pa!” saad niya.
Ayon kay Anna Grace, sinabi niyang may mga demonyong gagamitin ang mga materyal na bagay upang gawing daan sa pagsira ng buhay ng isang tao.
Ikinumpara niya ring totoo ang ganitong pangyayari dahil hindi magagawa ng mga pelikulang may patungkol sa demonyo kung hindi totoo ang mga ito.
“Some demons will use some other stuff to come close to man to destroy their lives.
If you saw movies like these, they are actually true to life. Hindi sila makakagawa ng ganyang movie kung wala silang nakuhaang ideya o pinaghugutan na totoo,” aniya.
Dagdag pa ng pastor, “Pls Know that God is true as well as the demons itself, they exist! While God is loving people, saving people, redeeming lives and delivering those who are oppress; Satan and his demons are working faster & harder without resting to destroy lives.”
Ibinahagi niyang tatlong Linggo na siyang nagsimulang magbenta ng ukay-ukay ngunit hindi niya malilimutan ang unang bundle na kanilang inimpok noong unang Linggo ng kanilang pagbebenta.
“In my first bundle, It was my plan to pray for it bago ko buksan kaso nakalimutan ko, hindi ko talaga naalala[...] So nag-start na ako magbenta, marami na ang nabenta. One night, while natulog ako, nakaranas akong ma-sleep paralysis,” pagkukuwento niya.
Pagtutuloy pa nito, matagal siyang hindi nakagalaw sa pangyayari ngunit bigla niyang natawag ang pangalan ni Jesus nang hindi inaasahan kaya siya nagising.
“Matagal akong hindi makagalaw hanggang nakapag-rebuke ako out of nowhere calling the name of Jesus - in Jesus [n]ame,” ayon sa pastor.
Sa pagpapatuloy niya, ikinuwento niya ito sa kaniyang asawa at sabay silang nagdasal.
Ngunit nang makatulog siya pagkatapos ng pangyayari ay naranasan niya ulit ma-sleep paralysis nang isa pang beses.
“I prayed and he prayed for me as well. I slept again and twice, inurungan [sleep paralysis] ulit ako pero saglit lang compared sa first. So i got up and prayed again pero hindi na ako nakatulog hanggang umaga[...]” anang pastor.
Sa kasunod na araw, naranasan muli ng pastor na ma-sleep paralysis at dito niya natiyak na dahil sa panindang ukay-ukay na kanilang binili kaya niya nararanasan ang malagim na pangyayari.
Nakuwento pa niya na bago siya muling maparalisa sa pagtulog ay nanaginip muna siya tungkol sa isang damit na kaniyang ibinebenta at biglang may humigit sa kaniyang kamay ng isang demonyo mula sa kaniyang likuran.
“I went inside an old house with a lot of clothes para ibenta. Nagkalat ang mga dress. Different and beautiful dresses. Kinuha ko daw ang mga dress na ipapabenta at isinabit ko sa aking braso[...] [N]akaramdam ako ng kamay na humihila sa aking damit sa likod na parang ayaw nitong dalhin ko ang mga dress, at doon nagsimula ang urom,” ‘ika niya.
“Gusto kong lumingon pero hindi ako makalingon. But I discerned that it was a demon's hand,” pahabol pa niya.
Ayon pa sa pastor, naintindihan niyang ukay-ukay na naka-impok sa kuwarto ng kanilang bahay ang dahilan kung bakit siya na-sleep paralysis nang tatlong beses.
“But at that time, naintindihan ko na kung bakit ako inurungan ng 3x, dahil sa ukay-ukay. So i told my husband na ipagdasal namin ang ukay-ukay bago ako magnext live, then isinama na rin namin ipagdasal ang mga nakabalot at napunta na sa customers,” pagtatapos nito.
Ipinaliwanag ng pastor na hindi nila alam kung saan at kanino galing ang ukay-ukay na kanilang binili.
Hindi rin daw sila sigurado kung nagamit ba sa ritwal para sa demonyo ang damit o taong may relasyon sa demonyo ang dating may suot ng ukay na damit na kanilang tinutukoy.
Mc Vincent Mirabuna/Balita