Nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider at talent manager Ogie Diaz sa pasabog ng dati niyang alagang si Liza Soberano patungkol sa pagkatao nito.
Bukod kasi sa kinumpirma na ni Liza ang hiwalayan nila ng ka-love team niyang si Enrique Gil, isiniwalat din niya ang naranasang pang-aabuso mula sa iba’t ibang tao noong bata pa siya.
MAKI-BALITA: He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split!
MAKI-BALITA: Si Liza Soberano at kung paano siya minaltratong parang aso
Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Agosto 17, naawa raw at humanga si Ogie sa katapangan ng dating alaga.
“Naawa ako at the same time, ang tapang. Napakatapang ni Liza Soberano,” saad ni Ogie.
Kinumpirma rin ng showbiz insider na alam umano niya ang mga kuwentong ito ni Liza dahil kapag tumatanggap siya ng mga talent na mag-aartista ay kinikilala niya ang mga ito.
Aniya, “Kailangan makilala mo ‘yong talambuhay niya, ‘yong kaniyang istorya ng buhay, kung saan siya nanggagaling. Kunwari masyadong mabait ‘yong bata, tatanungin ko.”
“Kaya ‘yong sinabi ni Liza, ‘yong kuwento ng buhay niya no’ng maliit siya, totoo ‘yon,” dugtong pa ni Ogie.
Samantala, wala naman daw siyang balak i-invalidate ang mga sinabi at nararamdaman ni Liza matapos nitong sumalang sa “Can I Come In,” isang podcast-cinema-documentary hybrid na ginawa ng artist na si Sarah Bahbah.
Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda noong Marso 2023 na may tampo umano siya sa dating manager na si Ogie matapos siya nitong tawaging ungrateful.
MAKI-BALITA: Liza, may tampo kay Ogie Diaz: ‘It feels like he’s trying to ruin me’