December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, kabilang din ba sa nanakit kay Liza Soberano?

Ogie Diaz, kabilang din ba sa nanakit kay Liza Soberano?
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Sarah Bahbah (YT)

Nakaladkad ang pangalan ni showbiz insider at talent manager Ogie Diaz sa listahan ng mga taong nakasakit umano kay Liza Soberano, na dati niyang alaga.

Sa bandang huli kasi ng “Can I Come In,” isang podcast-cinema-documentary hybrid na ginawa ng artist na si Sarah Bahbah, naglabas si Liza ng hinanakit sa pamamagitan ng paghiwa ng cake.

"I want you to cut the cake and let every slice represent someone who has hurt you," sabi ni Sarah kay Liza.

Kabilang sa mga nabanggit ng dating Kapamilya star ang pangalang Michael, Melissa, J.R., at isang naka-bleep.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Naging sentro tuloy ito ng intriga. Suspetsa ng ilang netizens, si Ogie umano ang tinutukoy ni Liza.

Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda noong Marso 2023 na may tampo umano siya sa dating manager matapos siya nitong tawaging ungrateful.

MAKI-BALITA: Liza, may tampo kay Ogie Diaz: ‘It feels like he’s trying to ruin me’

Ngunit sa latest episode ng "Showbiz Updates" noong Linggo, Agosto 17, itinanggi ni Ogie na pangalan niya ang binleep sa "Can I Come In."

Aniya, "Ako sa totoo lang, feeling ko, hindi ako 'yon. At alam naman ni Liza ang totoo, We've done our part bilang manager niya, together with Star Magic, 'di ba?"

"Ngayon, kung kulang pa 'yon, narrative na ni Liza 'yon kung ano ang gusto niyang sabihin against us. Basta ako, ang pinagpapasalamat ko pa rin dumating si Liza sa buhay ko," dugtong pa ni Ogie.

Samanatala, sa isang bahagi ng vlog ni Ogie, naghayag siya ng simpatya at paghanga sa katapangan ng dati niyang alaga dahil sa pasabog nito patungkol sa sarili. 

Bukod kasi sa kinumpirma na ni Liza ang hiwalayan nila ng ka-love team niyang si Enrique Gil, isiniwalat din niya ang naranasang pang-aabuso mula sa iba’t ibang tao noong bata pa siya.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, naawa pero humanga kay Liza Soberano