December 14, 2025

Home FEATURES Katatawanan

‘Naipit sa daan!’ Lalaking naglalakad lang at pumila sa traffic, kinagiliwan

‘Naipit sa daan!’ Lalaking naglalakad lang at pumila sa traffic, kinagiliwan
Photo courtesy: Colonel Bonifacio Bosita for Senator Movement Supporters (FB)

Isa ang traffic sa araw-araw nararanasan ng maraming Pilipino tuwing pupunta sa trabaho at uuwi ng tahanan.

Ngunit dahil sa patuloy na dumaraming bilang ng mga pribado at pampublikong sasakyan na naghahati-hati sa daan araw-araw, tiyak na hindi maiiwasan ng kahit sinoman ang maipit sa traffic.

Ganiyan ang nakakatuwang pangyayari na naranasan ng isang lalaki habang siya ay naglalakad sa kalsada at naipit sa hilera ng mga sasakyan.

Sa videong inupload ng isang page sa Facebook noong Agosto 08, makikita ang isang lalaking may suot ng puting damit at naipit sa traffic ng mga sasakyan sa tabing kalsada habang nakatukod ang kaniyang kamay sa pader at tila may pupuntahan.

Katatawanan

Pangalang Zaldy Co, Martin Romualdez pinaskil sa labas ng memorial chapel

“Naglalakad na ngalang si kuya na traffic pa,” saad sa caption ng post.

Kinagiliwan ito ng netizens at nagbahagi ng kanilang saloobin kaugnay sa pangyayari. Narito ang ilang komento na kanilang sinabi:

“Pati naglalakad natrapik pa. Kamoteng rider.”

“Yung walking distance ka na lang sa trabaho na late kapa. Tapos dahilan mo sa boss mo traffic ”

“Ganito kalupit ang trapik sa Pilipinas”

“Literal na COMOTE”

“May side walk oh wala sana makaintindi naman ung mga ganyang rider o driver.”

“naglalakad na nga lang yong tao, na traffic pa.”

“Walang helmet ung naglalakad.”

“Grabi na talaga traffic ngayon ”

“Kuya sigaw ka ng Pib Pib!”

“Sa sobrang Traffic Pati Tao nahirapan na”

Samantala, hindi naman nabanggit sa post ang pagkakakilanlan ng lalaking naaktuhang naipit sa traffic.

Umabot na ngayon sa isang milyon ang bilang ng mga nakapanood at 14,000 mga reaksyon ang naturang video sa Facebook.

Mc Vincent Mirabuna/Balita