Nagbitiw na sa tungkulin bilang political officer ni Sen. Robin Padilla ang aktres na si Nadia Montenegro, Lunes, Agosto 18.
Mula ito sa kumpirmasyon mismo ng Chief of Staff ng senador na si Atty. Rudolf Philip Jurado.
Tinanggap naman ng tanggapan ni Padilla ang pagbibitiw ni Montenegro.
Matatandaang kamakailan lamang ay nag-leave of absence si Montenegro matapos masangkot sa umano'y paggamit ng marijuana ng isang staff sa loob ng palikuran ng Senado.
KAUGNAY NA BALITA: 'Ibang session na?' Senado, iniimbestigahan marijuana session ng staff ni Sen. Robin
Itinanggi ni Montenegro ang paggamit ng marijuana, bagkus, ito umano ay isang "vape."
KAUGNAY NA BALITA: Vape lang? Nadia Montenegro, itinangging gumagamit ng marijuana sa Senado
Samantala, ang pagbibitiw ni Montenegro ay hindi raw nangangahulugang "guilty" siya sa paggamit ng marijuana.
Ito raw ay upang hindi na madamay ang tanggapan ni Padilla sa isyu.