December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Maine Mendoza, totoong nainlab kay Alden Richards: 'Pero hindi siya nanligaw'

Maine Mendoza, totoong nainlab kay Alden Richards: 'Pero hindi siya nanligaw'
Photo Courtesy: Alden Richards (FB), Screenshot from Eat Bulaga TVJ (YT)

Inamin ni "Eat Bulaga" host Maine Mendoza na totooong nagkagusto raw siya sa dating ka-loveteam na si Asia's Multimedia Star Alden Richards noong panahong ginagawa pa nila ang "KalyeSerye."

Sa latest episode ng podcast na "Tamang Panahon" noong Linggo, Agosto 17, sinabi ni Maine na vocal naman daw siya sa feelings niya kay Alden noon pa.

"Nainlab talaga ako kay Alden. Vocal naman ako. Kahit sino naman 'yong magtanong sa akin, sasagutin ko naman nang diretso. Nainlab ako sa kaniya. Pero hindi siya nanligaw. Walang gano'n," lahad ni Maine.

Dagdag pa niya, "Alam din niya. Kasi ung vocal ako sa lahat ng tao, pati kay Alden mismo. Alam ni Alden 'yon. Sinabi ko naman sa kaniya rekta."

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Pero kung nanligaw daw noon si Alden, sasagutin daw niya ang aktor.

"Kasi inlab ako sa kaniya, e.  Nainlab ako talaga," anang "Eat Bulaga" host.

Matatandaang sa isang panayam kay Alden noong Oktubre 2023 ay inamin din niyang nagkagusto raw siya kay Maine.

“Did you fall for Maine Mendoza?” tanong ni Asia's King of Talk Boy Abunda.

“Yes, Tito Boy,” sagot ni Alden. “Hypocrite po ako kung hindi. Yes. Ayoko pong sabihin na alam niya pero I did. I did confess.”

MAKI-BALITA: Alden Richards, nagkagusto kay Maine Mendoza: ‘I did confess’

Ngunit sa kasalukuyan, dalawang taon nang kasal si Maine kay award-winning actro at Quezon City 1st district Rep. Arjo Atayde.

MAKI-BALITA: Maine Mendoza at Arjo Atayde, officially married na!