December 13, 2025

Home BALITA

LPA sa northern Luzon, ganap nang bagyong 'Huaning'

LPA sa northern Luzon, ganap nang bagyong 'Huaning'
DOST-PAGASA

Ganap nang tropical depression ang binabantayang low pressure area (LPA) at pinangalanan itong "Huaning," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Agosto 18. 

Ang tropical depression Huaning ang ikatlong bagyo ngayong buwan ng Agosto, at ikawalong bagyo na pumasok sa bansa.

Ayon sa PAGASA, as of 2:00 AM, nang mag-develop sa tropical depression Huaning ang LPA sa east northeast ng Batanes.

As of 5:00 AM, namataan ang tropical depression sa 520 kilometers east of Northeast Itbayat, Batanes. 

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Taglay nito ang lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour (kph), pagbugsong 55 kph, at central pressure na 1008 hPa. 

Gumagalaw ito pa-north northwestward sa bilis na 10 kph.

Wala itong direktang epekto sa bansa, ayon pa sa PAGASA.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Agosto 19.