Naniniwala si Anti-poverty czar Larry Gadon na dapat pa ring mapondohan ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) para sa 2026.
Sa kaniyang pahayag nitong Lunes, Agosto 18, 2025, ikinumpara niya ang AKAP sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nananatiling makakatanggap ng pondo mula sa national budget para sa susunod na taon.
“We are helping those under the 4Ps. But how about those who are trying to work and pay taxes?” ani Gadon.
Dagdag pa niya, “‘Pag nagkaproblema sila hindi mo sila tutulungan? Pero yung 4Ps, tutulungan, who are not contributing to our taxes.”
Iginiit din ni Gadon ang silbi ng AKAP para sa mga benepisyaryo nito.
“Hindi nga sapat ang kita, kaya mayroon tayong AKAP eh…Why deprived them of help?”
Matatandaang nauna nang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na walang matatanggap na alokasyon ang AKAP mula sa 2026 National Expenditure Program (NEP) dahil may natira pa rin daw itong pondo mula sa kasalukuyang budget nitong 2025.
“Doon po sa AKAP wala po yung AKAP sa budget ng DSWD for next year,” ani DBM Secretary Amenah Pangandaman.”
Dagdag pa niya, “May natitira pa pong pondo from 2025… and given our limited fiscal space, hindi pa muna natin siya sinama.”
Noong 2025, nakatanggap ng tinatayang ₱26.7 bilyon ang AKAP na hindi nai-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at umani ng samu’t saring kritisismo.
KAUGNAY NA BALITA: 2026 National budget, hawak na ng Kamara; AKAP, bokya na mapondohan