December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

EA naurirat kung naging masaya sa unang gabi nila ni Shaira

EA naurirat kung naging masaya sa unang gabi nila ni Shaira
Photo courtesy: Screenshot from Unang Hirit (YT)

Matapos ang kasal nila noong Huwebes, Agosto 14, for the first time ay magkasama ang newly-wed couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman sa morning show na "Unang Hirit," bilang mag-asawa na, sa Monday episode nito, Agosto 18.

KAUGNAY NA BALITA: Tapos na ang paghihintay: EA Guzman, Shaira Diaz ikinasal na!

Siyempre pa, inusisa agad ni GMA news anchor at co-host ni Shaira sa UH na si Arnold Clavio si EA kung tinupad ba ni Shaira ang pangako niyang "magiging masaya na" si EA sa gabi, pagkatapos ng seremonya.

Ang tinutukoy ni Igan, ay kung "nagbembangan" ba sila agad, sa unang gabi bilang Mr. and Mrs. Guzman.

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

"'Yong pangako ba niya [Shaira] noong sa dambana noong kinasal kayo na magiging masaya ka na [EA], kumusta ka naman?" usisa ni Igan.

Tugon naman ni EA, "Ako magiging honest ako ah, pero grabe ang ngiti ko talaga."

"Pero 'yong first night, tinulugan ako."

"Pero naintindihan ko naman kasi ang aga niya nagising so naiintindihan ko," paliwanag pa ng aktor.

Hirit naman ni Shaira habang natatawa, "It's a scam!"

Matatandaang sa kasal nila, hayagang sinabi ni Shaira sa kaniyang groom, na mister na ngayon, na finally raw ay tapos na ang paghihintay ng huli, pagdating sa sex.

KAUGNAY NA BALITA: EA Guzman, isang taon nang hindi nagbabate

Hayagang inamin ni Shaira noon sa mga panayam na sa tagal ng pagsasama nila ni EA bilang couple ay wala pang nangyayari sa kanila.

“Parang hindi totoo, ‘no? Pero kinakaya niya,” ani Shaira.

KAUGNAY NA BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’

Naniniwala kasi si Shaira na ang virginity ay ipinagkakaloob lamang sa lalaking magiging kasama na habambuhay.