December 22, 2025

Home BALITA

Babala ng DICT sa messaging apps na tatangkilik sa online gambling: ‘Papa-ban namin kayo!’

Babala ng DICT sa messaging apps na tatangkilik sa online gambling: ‘Papa-ban namin kayo!’
Photo courtesy: File photo

Nagbabala si Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa paglipat ng online gambling sa mga messaging platforms mula sa e-wallets.

Sa kaniyang pahayag nitong Lunes, Agosto 18, 2025,  direktahang iginiit ni DICT Sec. Henry Aguada na nakahanda raw silang i-ban ang mga platforms na tatangkilik pa sa online gambling.

“Yung mga ilegal ngayon, kung mga website…mukhang umalis na sila doon. Karamihan pumunta ng Telegram at Viber. Sinabihan na namin Telegram and Viber, kapag ‘di n’yo inalis ‘yan, papa-ban namin kayo,” anang DICT Secretary.

Matatandaang kamakailan lamang nang ipag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang malawakang pag-unlink ng mga e-wallets sa mga online gambling sa loob ng 48 oras na nagtapos noong Linggo, Agosto 17.

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

“The monetary board of the [BSP] has approved our policy that we asked or we order, direct the BSP supervising institutions to take down and remove all icons and links redirecting to gambling sites,” anang BSP.

KAUGNAY NA BALITA: 'Lagot!' BSP, iminandato na 'pag-unlink' ng e-wallets sa mga online gambling

Samantala, sa hiwalay na pahayag, pinuri naman ni Sen. Erwin Tulfo ang matagumpay raw na pagsunod ng mga e-wallet firms sa pag-unlink ng mga gambling platforms sa kanilang applications.

"We laud the move of the e-wallet firms to delink these online gambling sites from their platforms. This is a sign that the business sector is willing to work with the government in addressing the problem of online gambling addiction in our country," anang senador.