Maligayang ipinabatid ni Unkabogable Star Vice Ganda na ililibre niya ang kaniyang supporters sa iniendorsong fast food matapos niyang bumalik sa “It’s Showtime” nitong Sabado, Agosto 16.Ito ay matapos ang espekulasyong tila tinanggal na si Vice Ganda bilang endorser ng isang nasabing chain.
MAKI-BALITA: Heart Evangelista, bagong endorser ng isang fast food chain-Balita
Kasabay din nito ang panukala ng abogado at dating executive secretary na si Vic Rodriguez na ipa-boycott ang nasabing fast food.
MAKI-BALITA: Vic Rodriguez, pinabo-boycott fast food chain na iniendorso ni Vice Ganda-Balita
"At dahil sa pasasalamat ko sa pagmamahal n’yo, lahat kayo rito ililibre ko sa McDonalds mamaya! After Showtime, didiretso tayo sa McDonalds. Gusto n’yo ‘yon?” ani Vice Ganda.
“Dahil love n’yo ko, at love ko kayo, Love ko ‘to,” dagdag pa niya.Matatandaang naispatan ng ilan ang tila pagliban ni Meme sa noontime show ng ilang araw matapos ang kaniyang dalawang araw na “Super Divas concert,” kasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, noong Agosto 8 at 9, sa Smart Araneta Coliseum.
“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat! I’m so happy to be back! Nakapagpahinga na ako, gumagalaw na ‘yong legs ko ulit,” anang Meme.
“Humaba ang tulog ko, nakapagpahinga ako, ‘yon nga, nai-relax ‘yong legs ko, ‘yong tuhod ko lumambot na ulit, ‘yong daliri ko sa paa, gumagalaw na ulit,” dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: Vice Ganda balik-It's Showtime matapos kontrobersiyal na concert, bumanat ba?-Balita
Ibinahagi rin ng co-hosts ni Vice Ganda sa It’s Showtime ang “Best Actor” Nomination nito sa FAMAS, sa pagganap nito sa pelikulang “And The Breadwinner Is.”
“Maraming salamat sa FAMAS for the Best Actor Nomination. Nomination pa lang ‘yan pero ang puso ko talaga ay maligayang-maligaya,” ani Vice.
Pinabati rin ni FAMAS Best Actor nominee si Jhong Hilario for Best Supporting Actor, Direk Jun Lana for Best Director, “And The Breadwinner Is” for Best Picture, at si Eugene Domingo for Best Supporting Actress.
“Actually, kung ‘di ako nagkakamali, “And The Breadwinner Is” ang isa sa may pinakamaraming nominations sa FAMAS Awards.
Maraming maraming salamat po!” anang Meme.Pinasalamatan din ng Unkabogable Star ang “Little Ponies,” ang fan group na sumusuporta sa kaniya.
Vincent Gutierrez/BALITA