Nagpadala ng sulat si Senate Minority Leader Tito Sotto kay Senate President Francis “Chiz” Escudero ngayong Linggo, Agosto 17, ukol sa hiling nitong magsagawa ng isang mandatory random drug testing para sa lahat ng mga senador.
Ayon kay Sotto, ito ay kaugnay sa mga kumakalat na balita hinggil sa umano’y paggamit ng ‘marijuana’ sa loob mismo ng mismo Senate premises.
MAKI-BALITA: 'Ibang session na?' Senado, iniimbestigahan marijuana session ng staff ni Sen. Robin-Balita
Ang kaniyang mungkahi raw ay naglalayong panatilihing “drug free” ang Senado, upang masiguro ang morale, efficiency, integrity, responsiveness, progressiveness, at courtesy ng mga senador.
Ibinahagi rin ni Sotto sa kaniyang liham na noong 2018, isang mandatory random drug testing ang isinagawa, alinsunod sa Republic Act 9165 o ang “Dangerous Drugs Act of 2002” at sa “Mandatory Random Drug Test for Public Officials and Employees of Senate Policy Order” o ang “Revised Policy on Random Drug Testing in the Senate of the Philippines.”
Samantala, wala pang tugon ang Senate President tungkol dito.
Vincent Gutierrez/Balita