December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Si Liza Soberano at kung paano siya minaltratong parang aso

Si Liza Soberano at kung paano siya minaltratong parang aso
Photo Courtesy: Sarah Bahbah

Mas sumentro ang atensyon ng publiko sa inispluk ni dating Kapamilya star Liza Soberano patungkol sa hiwalayan nila ni Enrique Gil. 

Ito ay matapos niyang sumalang sa “Can I Come In,” isang podcast-cinema-documentary hybrid na ginawa ng artist na si Sarah Bahbah.

MAKI-BALITA: ‘He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split!

Tila namintisan ng marami ang ilang sensitibong paksang matapang na isiniwalat ni Liza tungkol sa kaniyang sarili. Ito ay ang naranasan niyang pang-aabuso.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Buhay ni Liza sa nasira niyang pamilya

Ayon sa aktres, 18-anyos lamang ang nanay niya nang ipinanganak siya California noong 1998. habang 22-anyos ang kaniyang tatay.

“I was born to Jacqueline and John. My mom was 18 at the time and my dad was 22,” saad ni Liza.

Para kay Liza, bata pa umano ang mga magulang niya nang isilang siya kaya sa palagay niya ay hindi alam ng mga ito ang kanilang ginagawa noon. 

“When I was born,” anang aktres, “these two kids, they were still children[...] They just literally didn’t know what to do. They were working multiple jobs to make ends me.”

Nabanggit rin niyang nagkaroon agad siya ng bunsong kapatid noong siya ay isang taong gulang pa lamang. 

Dagdag pa ng aktres, naaresto umano ang kaniyang ama dahil sa reklamo ng dati nitong nobya sa kaniya, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at pagdadala ng ilegal na armas dahilan para ito ay ma-deport. 

Simula nito lalo umanong naging mataas ang adiksyon sa “crystal meth” ng kaniyang ina dahilan upang mamana ang adiksyong ito nang ipinanganak ang kaniyang kapatid. 

Sa pagpapatuloy ni Liza, nagkaroon ng panibagong partner ang kaniyang ina na pinangalanan niyang Michael matapos umanong ma-deport ng kaniyang ama. 

Batay sa pagkakaalala niya, nagawa ni Michael magnakaw ng isang mini-van at dinakip sila nito ng kaniyang ina at kapatid noong dalawang taong gulang pa lamang siya. 

Napaulat din sa lugar nila noon na na-kidnap sila at na-report sa mga awtoridad na ilang araw nang nawawala. 

May pagkakataon daw na sinubukan ng batang aktres na umalis sa car seat ng naturang min-ivan ngunit nahuli siya ni Michael at ibinalik.

Dagdag pa ni Liza, nang mapag-isa sila kasama ng kaniyang kapatid at si Michael sa mini-van, bigla siyang sinigawan nito at inutusang saktan ang kaniyang nakababatang kapatid. 

Nang makabalik ang ina ni Liza, biglang nagsisulputan ang ang mga pulis at nahuli si Michael. Hanggang sa na-ospital ang ina ng aktres at nawalan sila ng magulang na mag-aalaga sa kanila. 

Buhay ni Liza sa tahanan ng umampon sa kanila

Ayon kay Liza, nagpalipat-lipat raw sila ng matitirahan matapos ang mga nangyari. Hanggang mapadpad sila sa tahanan at pangangalaga ng kaibigan umano ng kaniyang ina na pinangalanan niyang Melissa, na aniya’y “psychologically and physically abusive.”

Nagawa nilang magkapatid na manirahan dito sa loob ng walong buwan. Pagkukuwento niya, may pagkakataon daw na birthday ng anak ni Melissa at pinili na lang nilang magkapatid na manatili sa loob ng kuwarto ngunit iinanyayahan sila nito at kalaunan ay pinagbabato ng cupcakes silang magkapatid. 

Nagsimulang maging emosyunal ang pagpapatuloy ng aktres sa tagpo noon na may “family movie nights” ang mga kumupkop sa kanila at hindi niya magawang makisama dahil siya ang itinuturing na family dog ng pamilya. Kung saan nananatili lamang siya sa likuran ng sofa na mistulang aso. 

Binigyan niya rin ng paliwanag kung bakit nagkaroon siya ng trauma sa meat balls. Kumakain raw umano noon ang batang aktres ng spaghetti at aksidente itong nabulunan ngunit hindi siya tinulungan ni Melissa. 

May isang pagkakataon pa raw na pinaglilinis siya ng dumi ng aso sa sahig ngunit gusto ni Melissa na gamitin ng batang aktres ang kaniyang dila. Ibinahagi niya rin na naranasan niyang magutom at hindi kumain sa loob ng tatlong araw. 

At nang minsan siyang bisitahin ng social worker, mas pinili umano ni Liza na magsinungaling at huwag sabihin ang totoong kalagayan nilang magkapatid.

Aniya, “I would lie because I would actually believe that she loved me when she said she loved me, because when you’re a kid, that’s just what you do. You believe anything that an adult says because you think that they have your best interests.”

Mabuti na lamang daw at napansin ng social worker ang mga galos at ebidensya ng pangmamaltrato sa katawan niyo sa sumunod na pagbisita nito. 

Buhay ni Liza sa poder ng totoo niyang pamilya

Hindi pa rin lubos na maayos ang naging kondisyon ng buhay ni Liza kahit nasa poder na siya ng mga totoo niyang kadugo. Pagkatapos nilang makaalis sa bahay ng mga umampon sa kanilang magkapatid, tumira naman sila sa kanilang mga lolo at lola.

Sa pagkakataong ito, muli silang nagkasama ng tatay niya na inilarawan niyang “uncomfortable” at “estranged.”

Ayon kay Liza, “He demanded so much from me as a daughter that I feel like it was unmerited because he wasn’t around.”

“A lot was going on. A lot of fear. A lot of uncertainty, and then out of nowhere, this guy comes up to me and kisses me on the cheek, and it’s my father. I just pushed him, and I feel disgusted,” dugtong pa niya.

Paglalahad ni Liza, tila inaasahan umano ng kaniyang ama na aakto sila na parang kilalang-kilala nila ang isa’t isa gayong kung tutuusin ay tatlong minuto lang ang itinatagal tuwing nag–uusap sila noon sa telepono. 

“He didn't know how to take it step by step and he just made me uncomfortable,” anang aktres.

Sa isang bahagi ng video, ipinangako ni Liza sa sarili na hindi na siya papayag na maging mas mababa kailanman.

“Hope, I promise you I won’t ever let anyone make you feel inferior. Ever,” sabi niya.