December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Rufa Mae dumalo sa ‘celebration of life’ ni Trevor, may sinabi para sa lahat

Rufa Mae dumalo sa ‘celebration of life’ ni Trevor, may sinabi para sa lahat
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (FB/IG)

Nagtipon ang pamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho ni Trevor Magallanes, pumanaw na asawa ni Kapuso comedy sexy star Rufa Mae Quinto, sa ginanap na “celebration of life” noong Agosto 15, 2025 upang magbigay-pugay sa kaniyang alaala.

Ibinahagi ni Rufa Mae ang tungkol dito sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Agosto 17. 

Sa nasabing pagtitipon, dumalo ang malalapit na kaibigan ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae) mula sa iba’t ibang panig ng US. Kasama rin ang maraming pamilya at kaibigan na nagpaabot ng kanilang pakikiramay at pagmamahal.

Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat si Rufa Mae sa lahat ng dumalo at nagbigay ng suporta sa kaniya at sa kanilang pamilya. Ayon sa aktres, inihanda nila ang hall at courtyard para sa paggunita, kung saan naging bukas ang espasyo para sa mga nakisama sa pag-alala kay Trevor.

Human-Interest

Ambagan nauwi sa Jombagan: Lalaki, binugbog dahil hindi nag-ambag sa Christmas party?

Mayroon ding playroom para sa mga bata, bilang pagpupugay sa alaala ni Trevor na kilala bilang isang gamer.

“Pasensya na sa mga hindi ko mabati. Mahal ko kayo,” ani Rufa Mae, na humiling din ng patuloy na panalangin para sa kapayapaan ng kaniyang yumaong asawa.

"Inihanda namin ang hall at courtyard para sa celebration of life. Maraming family, friends, at workmates ang dumating para mag bigay-pugay sa kanya."

"We will keep you posted sa mga ganap namin dito. Please patuloy nyong ipagdasal ang kapayapaan ni Trev.," aniya pa. 

Bumuhos naman ang pakikiramay at encouraging words para kay Rufa Mae mula sa mga kapwa celebrity at netizens. 

Hindi pa rin binanggit ni Rufa Mae ang dahilan ng pagkamatay ng mister.

Sa pangalawang araw ng Agosto, nagulat ang lahat sa balita ng biglaang pagkamatay ni Trevor.

Aminado si Rufa Mae na talagang na-shock siya sa mga nangyari, lalo na ang kanilang anak na si Athena. Nagpasalamat naman siya sa mga nakiramay at patuloy na nagpapadala sa kaniya ng encouraging words.

"Mag asawa pa din kami ni Trevor , walang nag file saamin ng annulment . Dito po kami sa Pilipinas kinasal Nov 25,2016 .Ako po ay Widow/ byuda na, shock pa din at nag luluksa po kaming Mag- ina and Salamat po sa lahat ng condolences and Rip and sympathy heart. Salamat sa pakikiramay," aniya.

Sa isa pang Facebook post, nakiusap si Rufa Mae na huwag daw sanang gawing "content" sa social media ang tungkol sa pagkamatay ng mister.

Igalang naman daw sana ng mga tao, lalo na ang mga vlogger, ang pagluluksa nila bilang pamilya, alang-alang na rin sa anak nila.

"Maraming Salamat sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pakikiramay."

"As we cautiously navigate through this emotionally difficult period in our lives, we would appreciate discretion from everyone."

"Nakikiusap ako na huwag naman po ninyong gamitin ang pangyayaring ito para magkaroon lamang kayo ng ‘content,'" pakiusap ni Peachy.

Muling sinabi ni Rufa Mae na bilang legal na asawa ni Trevor, lahat daw ng mga detalye at impormasyon tungkol sa pagkamatay niya ay nararapat lamang daw na magmula sa kaniya.

"As the wife of Trev, all information surrounding his passing will come from me. Ang lahat ng detalye ay maaari ko lang maibigay sa tamang oras."

"For the sake of our daughter, Athena, please refrain from spreading unverified information that she can access through social media."

"Let us just remember the good times that we had with my husband, Trev," pakiusap pa ng komedyana.

KAUGNAY NA BALITA: Rufa Mae, 'biyuda' ni Trevor: 'Walang nag-file sa amin ng annulment!'

KAUGNAY NA BALITA: 'Mahal kita Trev!' Rufa Mae, inaalam pa rin dahilan ng pagkamatay ni Trevor