December 13, 2025

Home BALITA National

Romualdez, sa muling pagratsada ng budget hearing: 'Wala tayong itatago sa taong bayan!'

Romualdez, sa muling pagratsada ng budget hearing: 'Wala tayong itatago sa taong bayan!'
Photo courtesy: House of Representatives

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na maisasapubliko ang budget hearing sa pagsisimula ng pagratsada nito sa Lunes, Agosto 18, 2025. 

Sa press release na inilabas ng Kamara nitong Linggo, Agosto 17, iginiit ni Romualdez na mapapakinabangan daw ng publiko ang masasaksihan nilang budget hearing.

“We want not only to inform but to involve the public, because the national budget is the people’s money. It should benefit them all,” ani Romualdez.

Dagdag pa niya, “Kung ang pinag-uusapan ay ang pera ng taong bayan, dapat taong bayan din ang nakakaalam at makikinabang. Wala tayong itatago sa kanila.”

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Binanggit din sa nasabing press release ang mga ipaprayoridad daw ng Kamara sa pagsalang ng tinatayang ₱6.793 trilyong pondo para sa 2026.

Kabilang sa mga nabanggit na prayoridad ay ang pag-iimbita raw ng mga organisasyong makakakuha ng kopya ng National Expenditure. Tutukan din daw ng Kamara ang agrikultura para sa food security, edukasyon, kalusugan at national defense.

Nakatakda ring buwagin ng Kamara ang maliliit umanong komite na siyang may kinalaman sa pag-apruba ng budget hearing at pagsasapubliko ng House-Senate conference.

Dagdag pa ni Romualdez, “Bawat pisong ginastos, dapat may katumbas na serbisyong nararamdaman ang taong bayan.”

Samantala, matatandaang nauna nang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na walang ilalaan na pondo para sa kontrobersyal na programa na Ayuda sa Kapos Ang kita Program (AKAP).

“Doon po sa AKAP wala po yung AKAP sa budget ng DSWD for next year,” ani Budget Sec. Amenah Pangandaman.

KAUGNAY NA BALITA: 2026 National budget, hawak na ng Kamara; AKAP, bokya na mapondohan