December 16, 2025

Home SHOWBIZ

Romnick Sarmenta sa tatlong umisnab sa kaniya: 'Iiyak na ba ako?'

Romnick Sarmenta sa tatlong umisnab sa kaniya: 'Iiyak na ba ako?'
Photo Courtesy: Romnick sarmenta via MB

Pinasaringan ng aktor na si Romnick s Sarmenta ang umno’y sa tatlong dumededma sa kaniya 

Sa latest X post ni Romnick noong Sabado, Agosto 16, sinabi niyang naku-curious umano siya sa mga nagsasabing huwag siyang pansinin dahil hindi naman kilala.

“Sabi nung isa, wag kasi nating pansinin,sino ba yan?Pero mga apat na beses nag comment,” saad ni Romnick. 

Dagdag pa niya, “Check ko profile...Ayun dalawa followers, anime pa yung isa. Hay may tatlong di pumansin sa akin.  Iyak na ba ako? Hindi. May bayad yun eh.”

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Matatandaang kamakailan lang ay umalingawngaw na naman ang pangalan ni Romnick dahil sa ginawa niyang pang-uurot ang mga nananawagang iboykot ang fast food chain na iniendorso ni Unkabogable Star Vice Ganda.

Ito ay matapos bumanat ng biro ang komedyante patungkol umano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crime against humanity.

Kaya naman kumulo ang dugo ng mga tagasuporta ni Duterte at kinuyog si Vice.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

Pero lalo pa siyang nagpakita ng suporta kay Vice matapos umorder sa fast food chain na iniendorso nito kahit hindi naman umano siya masyadong gutom.

MAKI-BALITA: Kahit ‘di masyadong gutom: Romnick, umorder sa fast food chain na ineendorso ni Vice Ganda

Matatandaang isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa politika. Kamakailan lang ay naghayag siya ng sentimyento patungkol sa mga lingkod-bayan na binabaluktot ang batas.

MAKI-BALITA: Pagbaluktot sa batas, isang kataksilan sey ni Romnick Sarmenta