Taliwas umano sa paniniwala ng marami, ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill ay para sa kapakinabangan ng lahat ayon kay Ice Seguerra.
Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Agosto 17, nausisa si Ice kaugnay opinyon niya sa ilang miyembro ng LGBTQIA+ na hindi pabor sa nasabing panukalang batas.
“Akala nila, when you say SOGIE Bill, it’s just for the LGBTQIA+ community. But when you understand what SOGIE is kasi, that goes for all of us,” paliwanag ni Ice.
Dagdag pa niya, “Ang sinasabi lang dito kasi ay hindi ka puwedeng ma-discriminate based on your SOGIE. I think, SOGIE kasi eliminates those na maja-judge ang isang tao, hindi mabibigyan ng equal treatment ang isang tao based on what they look like and who they are.”
Matatandaang sa kasagsagan ng Pride Month noong Hunyo ay maugong na pinag-usapan ang naging panayam kina LGBTQ trailblazers at beauty and fashion icons Mother Ricky Reyes at Mama Renee Salud.
Ibinahagi kasi ng dalawa sa nasabing panayam ang dahilan ng hindi nila pagpabor sa same-sex marriage at SOGIE bill.
Giit ni Mother Ricky, “'Yong sinabi ko, miski anong gawin n'yo sa mga bakla, bakla pa rin 'yan. Gilingin mo man 'yan, ang labas n'yan baklang hamburger. Walang pagbabago."
"Ako naman sige bigyan ng karapatan, bigyan sila ng puwang sa lipunan kaso lang the problem with some gays they asked for too much. Masyadong entitled,"segunda naman ni Mama Renee.
MAKI-BALITA: Ricky Reyes, Renee Salud hindi pabor sa same-sex marriage, SOGIE bill