January 04, 2026

Home BALITA

Paggamit ng ‘wikang Filipino’ sa mga transaksyon ng LGUs, iminandato ng DILG

Paggamit ng ‘wikang Filipino’ sa mga transaksyon ng LGUs, iminandato ng DILG
Photo courtesy: via DILG, KWF/FB

Hinihikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gamitin sa bawat transaksyon ng local government unit (LGUs) ang wikang Filipino sa buong buwan ng Agosto.

Ang nasabing kautusan ay bilang tugon sa selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong buwan.

“Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagyamanin ang pambansang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng wika, hinihikayat ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal  ang lahat ng kawani nito at mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng opisyal na transaksyon at komunikasyon ngayong Buwan ng Wikang Pambansa,” anang DILG sa kanilang opisyal na Facebook page noong Sabado, Agosto 16, 2025. 

Ang nasabing mandato ay nakasaad sa Memorandum Sirkular Blg. 2025-076, ng DILG. 

Internasyonal

Maduro at misis, kalaboso: Trump nagdeklara, US muna mamamahala sa Venezuela!

Dagdag pa nito, inatasan din ng nasabing ahensya ang mga gobernador, alkalde at barangay chairman na magsagawa ng mga aktibidad na magtatampok sa Wikang Pambansa.

“Hinimok din ng DILG ang mga punong lalawigan, lungsod, bayan, at barangay na magsagawa ng mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon upang mahikayat ang mamamayan na makilahok at higit na pahalagahan ang Wikang Pambansa,” anang DILG. 

Nabanggit din ng DILG ang pagsasagawa ng mga aktibidad na nakaangkla sa mga lingguhang tema para sa Buwan ng Wika sa mga sumusunod na araw: 

Aug 10–16: Wikang Pangkasarian

Aug  17–23: Ang Pangangalaga sa Katutubong Wika at Kaalaman bilang Pangangalaga sa Kalikasan

Aug 24–30: Filipino at Wikang Katutubo: Wika ng Malayang Pamamahayag