December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Alcasid, 'umurong ang dila': 'Asan ang medic?’

Ogie Alcasid, 'umurong ang dila': 'Asan ang medic?’
Photo Courtesy: Screenshot from Vice Ganda (FB)

Idinaan na lang sa biro ni singer-songwriter Ogie Alcasid ang pagkabulol niya sa spiel na binabasa niya sa “It’s Showtime.”

Sa latest episode ng naturang noontime show noong Sabado, Agosto 16, ipinagpatuloy ni Ogie ang pagsasalita ng gibberish imbes na tumigil nang bigla siyang mabulol.

Sey tuloy ng co-host niyang si Unkabogable Star Vice Ganda, “Asan ‘yong medic? Pakitsek ‘to. Umuurong ‘yong dila."

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang eksena. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

"5 days ako di nanood ng showtime kasi wala si meme ngayon sabado lang ako ulit nanood kasi anjan ka na meme Llve you meme vice"

"Wow masaya tlga kapag dyan si meme vice nabulol na tuloy sir Ogie i love you Showtime plage ako nanunuod dto sa Qatar"

"Biglang naging intsik ogie"

"I love you meme sana bomalik si kim chou paramakita namin kayo araw araw kayo tatlo ni kim at darren"

"Dumating na ang bida ang saya inggit ba kayo ako inggit na inggit walang katulad."

"Kakatawa talaga kayo, love you meme."

"mas madami parin ng mamahal ky meme vice ganda"

Matatandaang noong Sabado rin ang pagbabalik ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” matapos ang kontrobersiyal niyang “Super Divas” concert kamakailan.

MAKI-BALITA: Vice Ganda balik-It's Showtime matapos kontrobersiyal na concert, bumanat ba?

Naging sentro ng usapan ang nasabing concert dahil nadawit sa mga biro niya ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at maging si showbiz columnist Cristy Fermin.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

MAKI-BALITA: MC, Lassy sumulpot sa concert: Vice Ganda, 'ipinaubaya' si Cristy kay Bea