Naghayag ng pasasalamat si Marjorie Barretto sa kanyang anak na si Julia ngayong Linggo, Agosto 17, matapos suportahan ang kaniyang nag-iisang kapatid na lalaki na si Leon Barretto.
Mababasa sa caption ng Instagram post ni Marjorie Barretto na hindi naman ito kailangang gawin ni Julia, ngunit nagkusa ito para sa kaniyang kapatid.
“A very special thank you to Julia — you didn’t have to, but you lovingly took it upon yourself to help put Leon through school,” ani Marjorie sa caption.
“Seeing you beam with pride in his graduation was a beautiful reminder of family and love,” dagdag pa nito.
Inihayag din ng dating aktres ang kaniyang pagbati sa kaniyang nag-iisang anak na lalaki, na ngayon ay isa nang ganap na degree holder.
“Congratulations, Leon. This is just the beginning of a beautiful life ahead. I love you so much!” aniya.
Inilahad niya ring proud siya at ang mga kapatid nito sa kaniyang pagtatapos.
“Leon, you honored our wishes. I watched you study so hard, sometimes too hard that I had to remind you to rest. Yesterday, all your sacrifices shine through — you made us so proud,” anang Marjorie.
“Your sisters are just as proud of you, cheering you on every step of the way,” dagdag pa nito.
Nagtapos si Leon Barretto sa University of Asia and the Pacific, sa kursong Bachelor of Arts in Integrated Marketing Communication.
Matatandaang nagtapos din si Marjorie kamakailan sa Philippine Women’s University sa edad na 51 taong gulang.
Vincent Gutierrez/BALITA