Natuwa ang TV host-social media personality na si Mariel Rodriguez sa bagong ahit niyang mister na si Senador Robin Padilla.
Sa latest Instagram post ni Mariel noong Sabado, Agosto 16, tinawag niyang “best anniversary gift” ang pagpapahit ng kaniyang mister.
“Best anniversary gift!!!!!!! ” saad ni Mariel.
Dagdag pa niya sa isang hiwalay na post, “ FINALLY!!!!! Goodbye bigote thank you babe [Robin] ”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Finallyyyy!! Yayyy!! happy anniversary!! "
"He looks 20 years younger! Hehe"
"ahaha how cute! Love the last pic!"
"Nakaka happy"
"Bagay na bagay na bagay "
"Finally wag kana babalik bigote hahaha mas gwapo si robin ngaun clean look na ulit"
"Ang pogi na ulit "
Matatandaang 15 taon na ang nakalilipas simula nang ikasal sina Robin at Mariel sa Taj Majal sa India noong 2010.