December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Luis Manzano, ipinakilala mga bruskong tropa

Luis Manzano, ipinakilala mga bruskong tropa
Photo Courtesy: Screenshots from Luis Manzano (IG)

Ipinakilala sa publiko ni Kapamilya host Luis Manzano ang umano’y dalawang brusko niyang barkada.

Sa isang video na ibinahagi ni Luis sa Instagram kamakailan, makikita ang mga komedyanteng sina Divine Tetay at Negi bilang mga sigang kaibigang tinutukoy niya.

“Pare, pakilala ko lang sa inyo 'yong tropa ko, ha,” sabi ni Luis. “Ito 'yong mga kasama ko na kadalasan nag-aaway kami, sa mga inuman naghahanap kami ng masasaktan.”

Sundot tuloy ni Negi, “‘Pag may dumaan dito, babanatan natin, pare.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

“Grabe mag contour mga kumpare mo Kuya Lu! Wait lang, parang mga bading sila @luckymanzano @ate_negi05” komento naman ni Tetay.

Umani pa ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sey nila sa post ni Luis:

"AHAHAHAHAHAHAHA ang saya ng buhay kapag ganito mga kasama mo. Nakakawala ng problema kapag mga nakakaaliw yung mga nakakasama at kausap mo. "

"Isa sa mga kinatatakutan talaga yan si @ate_negi05"

"Sana magkanoontime show ka Mr. Manzano. Gustong gusto namin ang sense of humor mo. God Bless"

"Parang pamilyar yang mga pre mo, Luis. Parang mga bouncer sa gaybar yan. "

"always nice to watch your vlog Kuya Luis"

"TERRITORY NATIN TO MGA PAREEEE. !"

"Hahaha rumble tlaga kapag nag.sama po kayo tatlo "

"Pak na pak mga lipstick nila broww"

Matatandaang nakasama na ni Luis sina Tetay at Nega sa ilang shows tulad ng “It’s Your Lucky Day” at “I Can See Your Voice.”

Pero sa ngayon, magkatanden sina Negi at Luis sa trivia game show na “Rainbow Rumble.”