December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ice Seguerra, ‘di bet ang politika; kailangan pang 'humalik sa wetpaks' ng politiko bago bigyan ng pondo

Ice Seguerra, ‘di bet ang politika; kailangan pang 'humalik sa wetpaks' ng politiko bago bigyan ng pondo
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Talks (YT), NYC (FB)

Ibinahagi ng singer-songwriter na si Ice Segguerra ang naging karanasan niya nang maging bahagi siya ng gobyerno matapos italaga bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) noong 2016.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Agosto 17, sinabi ni Ice na mas hindi raw niya nagustuhan ang politika kumpara sa showbiz kung saan siya nagsimula.

“Ang hindi ko maintindihan, ‘yong kailangan mong mag-kiss ass do’n sa ibang politiko para lang mabigyan ka ng budget para sa public. Bakit? E, kaya nga tayo nasa public service para mag-serve ‘di ba?” saad ni Ice.

Kaya naman kahit wala pang dalawang taon sa posisyong ibinigay sa kaniya, nagbitiw na siya.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Aniya, “It would have been good, it would have been fine siguro if I felt like something with purpose.”

Ayon kay Ice, balak sana niyang pagtuunan noon ang edukasyon para mabigyan ang kabataan ng tamang kagamitan na mapapakinabangan ng mga ito paglaki.

“Paano mo sila mabibigyan ng tamang tools kung ang dami pa ring kakulangan sa paligid nila?” dugtong pa ng singer-songwriter.

Samantala, hindi naman niya itinangging nakaramdam siya ng frustration dahil sa nangyari. Naramdaman din umano niya na dinadaya niya ang kabataan kung ipagpapatuloy pa niya ang panunungkulan.

“I know, I can’t give my 100 percent anymore,” pahabol pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: Paglilinaw ni Ice Seguerra: SOGIE Bill para sa lahat