Ibinahagi ng dating aktres at politiko na si Marjorie Barretto ang kaniyang sentimyento patungkol sa pagiging lalaki.
Mababasa sa caption ng kaniyang Instagram post ngayong Linggo, Agosto 17, ang kaniyang saloobin hinggil sa isang lalaki, matapos ang college graduation ng kaisa-isang anak na lalaking si Leon Barretto, mula sa estranged husband na si Dennis Padilla
“My only son graduates college. As his mother, it was always important to me that he finish his studies — because I know that as a man, it means carrying the responsibility of being strong, capable, and one day, a good provider for his own family,” aniya.
Inilahad niya ring proud na proud siya sa naabot ng kaniyang anak at nakita niya ang mga pinagdaanan nito bago makatapos.
Ibinahagi rin niyang sinusuportahan si Leon ng kaniyang mga kapatid na babae at proud din ang mga ito sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Marjorie Barretto, pinasalamatan si Julia sa pagtulong sa pag-aaral ni Leon-Balita
“A very special thank you to Julia — you didn’t have to, but you lovingly took it upon yourself to help put Leon through school. Seeing you beam with pride in his graduation was a beautiful reminder of family and love,” anang Marjorie.
Inihayag ito ni Marjorie kasabay sa pagtatapos sa kolehiyo ni Leon.
Vincent Gutierrez/BALITA