Tahasang inamin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na sinuportahan niya ang kandidatura noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa latest episode ng “The Long Take” noong Sabado, Agosto 16, inusisa si Castro kung kontra ba siya noon kay Duterte bago siya naging bahagi ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Hindi,” sabi ni Castro. “I voted for Digong in 2016, I campaigned for him.”
Bukod dito, inamin din ni Castro na minsan niyang itinuring ang sarili bilang tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo.
Aniya, “In a way, yes. Because okay naman si VP Leni. And up to now, I think, maganda naman ‘yong ginagawa niya.”
“Wala naman tayong nakikitaang korupsiyon sa kaniya. So, magaling naman siya,” dugtong pa ni Castro.
Matatandaang Pebrero 24 nang manumpa si Castro bilang PCO Undersecretary kasama si Jay Ruiz na itinalaga naman bilang Ad Interim Secretary ng PCO.
MAKI-BALITA: Jay Ruiz, nanumpa na bilang PCO chief; nangakong lalabanan ang ‘fake news’