December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Anak na sasabak sa trabaho, ipinangutang ng tatay pambaon niya; netizens, naantig

Anak na sasabak sa trabaho, ipinangutang ng tatay pambaon niya; netizens, naantig
Photo courtesy Pexels

Nabagbag ang damdamin ng netizens sa viral Threads post ng isang anak na ibinida ang todong suporta sa kaniya ng ama bago siya pumasok sa trabaho noong Sabado, Agosto 17.

Sa nasabing viral post na umani ng 14K reactions sa Threads, makikitang iba’t ibang klase ng pagkain ang nasa litrato na may caption na, “Magstart na ako mag-work next week and umutang papa ko sa gcash (ggives) para may pang baon lang ako sa work and look who's crying.”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Jei, sinabi niyang lubos niyang pinahahalagahan ang pagsusumikap ng ama at kahit noong nag-aaral pa ito ay mapagbigay na sa kanilang magkakapatid ang ama.

“That was actually my second job. I was unemployed for quite a while din. Although we weren’t really that close, we genuinely cared for each other naman talaga. Kahit noong nag-aaral pa po ako, he was always generous to us siblings,” kuwento niya.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

“I just happen to be more vocal in expressing my appreciation for all his hard work, kaya na-post ko rin ‘yon,” kaniyang dagdag sa likod nagpo-post bilang pasasalamat sa ama.

Sa pahabol na caption, sinabi rin ni Jei na bukod sa pagiging security guard, driver din ito sa isang ride-hailing app.

“Short background lang po about kay papa, masipag po talaga si papa, kahit may work na po sya as security guard, he is still work after his duty as lalamove/angkas driver. Kaya nga talaga nagsusumikap din po talaga ako, kami ni ate para man mapahinto man lang sa part time nya, pero matigas din kasi ulo ni papa, may tatlo pa kasi kaming nag-aaral na kapatid, and unemployed pa ako these past few months,” saad nito sa kaniyang post.

At kahit na dalawang trabaho ang binabalanse ng ama, hatid-sundo pa siya nito.

“Ihahatid sundo pa ako nyan, grabe ka na papa pinapaiyak mo yung 25 years old mong anak.”

Nagpahayag naman ng paghanga at suporta ang mga netizen, at ang ilan ay nagawa rin magkuwento tungkol sa kanilang ama.

“Naluha ako. Namiss ko Papa ko. Hatid sundo ako, nilulutuan ako ng baon sa trabaho. Habang buhay mong maalala yan .”

“Why am I crying for this? huhuh good luck bb on ur work!!! Galingan mo lagi.”

“You're so lucky to have your Dad ”

“Grabe no, iba talaga magmahal ang mga papa kaya ever since papa’s girl talaga ako .”

“I am. Huhuhu sobrang lambot talaga ng puso ko sa mga magulang na ginagapang mga anak nila. Praying that your papa mama to live longer para makita nila sumakses ka sa life.”

Sean Antonio/BALITA