January 04, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga slang na patok sa mga Gen Z ngayong 2025

ALAMIN: Mga slang na patok sa mga Gen Z ngayong 2025
Photo courtesy: Unsplash

“Who is this diva?” 

Isa lamang ito sa marami pang umuusbong na Gen Z slang sa kasalukuyang panahon, kung saan, sinasalamin ang kakayahan ng wikang Filipino na umangkop sa ibang termino dala ng patuloy na pag-usad ng teknolohiya at pabago-bagong panahon. 

Ayon sa komisyuner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Benjamin Mendillo Jr., ang Gen Z slangs ay tanda rin ng pagiging malikhain ng kabataang Pinoy. 

“Yung mga lumalabas na mga bagong anyo na mga salita bunsod din yan ng pagiging malikhain ng mga kabataan kaya po iyan ay hindi winawaksi bagkus ‘yan po ay welcome sa atin,” saad nito sa isang press conference para sa buwan ng wikang pambansa noong 2024. 

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

Dahil dito, alamin ang ilan sa mga sikat na slangs na ginagamit ng mga Gen Z ngayong 2025: 

1. Soft Launch - ang terminong ito ay ginagamit sa aspetong pag-ibig kung saan hindi hayagang ipinapaalam ang relationship status. Kadalasan itong makikita sa social media at ginagawa ng karamihan sa paniniwalang mas maiiwasan ang “public drama” at mapanatiling pribado ang relasyon.

2. Hard Launch - kung may “soft launch,” mayroon ding “hard launch” kung saan tuwirang ipinapakita ang identidad ng romantic partner para bigyang linaw sa lahat ng kakilala na naka-”in a relationship” ang mga ito. 

3. Talking Stage/Phase - isa rin itong terminong ginagamit sa aspetong pag-ibig na kilala rin bilang “pre-relationship o getting to know stage” kung saan mayroon nang “romantic potential” ang dalawang tao ngunit hindi pa opisyal na magkasintahan. 

4. Situationship - kilala rin bilang “no-label phase” kung saan may romantic potential na ang dalawang tao pero hindi malinaw ang kanilang opisyal na estado. 

5. Dump Account - ang terminong ito ay ginagamit sa social media kung saan, bukod sa “main account” na kalimitang ginagamit para sa public o “family/school/work” audiences, ang dump account ay kadalasang pribado kung saan dito pinopost ang “unfiltered” posts nang walang pag-aalinlangan sa magiging imahe nito. Para sa karamihang Gen Z, ang dump account ay ang kanilang personal space sa social media, diary, kumbaga, at dito rin ay kadalasang mga malalapit na kaibigan lamang ang nakakakita ng mga post. 

6. Extra - ginagamit ito para ibahagi ang isang tao o bagay na over-the-top” o overreacting o sobra-sobra. 

Maaari itong gamitin sa positibo o negatibong paraan, depende sa magiging tono ng nagsasalita o konteksto ng pangyayari.

7. Estetik - mula sa salitang Ingles na “aesthetic,” ito ay ginagamit para ibahagi ang isang bagay o tao na maganda o nakakaakit sa paningin.

8. Dogshow - ang terminong ito ay ginagamit para pagtawanan ang isang tao sa mapaglaro o pabirong paraan. Kadalasan itong ginagamit ng mga magkakaibigan bilang lokohan sa isa’t isa. Pinauso ito ng content creator na si Sassa Gurl noong 2021. 

9. Tito/Tita - habang ang mga terminong ito ay ginagamit sa wikang Filipino bilang pantawag sa mga nakatatandaang kamag-anak, para sa mga Gen Z, ang Tito/Tita ay ginagamit na rin para itawag sa mga kapwa Gen Z o Millennials na mahilig sa mga tradisyunal na bagay tulad ng menthol balm, pagtulog nang maaga, o pagiging mainisin sa ingay.

10.  Shot puno - sa Ingles na maaaring mangahulugang “bottoms up,” ang terminong ito ay madalas gamitin sa mga masasaya o malulungkot na sitwasyon kung saan kadalasa’y nagtatawag ng pag-inom ng alak. 

Sean Antonio/BALITA