December 12, 2025

Home BALITA National

2 senador, gora sa 'random drug test' sa staff ng Senate officials

2 senador, gora sa 'random drug test' sa staff ng Senate officials
Photo courtesy: Pexels, via MB

Dalawang senador ang nagpahayag ng pagsuporta para sa random drug testing sa Senado.

Sa magkahiwalay na pahayag nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Sen. Juan Miguel Zubiri, ipinaabot nila ang kanilang pag-sang-ayon sa nasabing random drug testing.

Sa panayam kay Zubiri ng isang radio station noong Sabado, Agosto 16, 2025, inihayag niya ang nakatakdang pagsasagawa ng random drug testing ng kaniyang opisina ngayong darating na Linggo.

“This coming week, I will subject my office to drug testing. Talagang ipapa-test ko silang lahat.I will mandatorily ask my staff, including me, to take drug testing. Pati senador, isama natin para wala nang duda,” ani Zubiri.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Hinimok din ni Zubiri ang iba pa niyang kasamahan sa Senado na pangunahan na rin ang nasabing drug tests.

“I encourage all the other offices, all the other senators, to do the same… Lawmakers should not be lawbreakers,” anang senador.

Paglilinaw pa niya, kung sakaling may staff daw siyang mapapatunayang gumagamit ng ilegal na droga, “Kung admitted nila na talagang sila po ay gumagamit ng bawal na gamot, bigyan natin sila ng chance to rehabilitate. Pasok muna sila sa rehab. At pag magrehab sila matapos ang ilang buwan at negative na ang drug test nila, we can allow them to go back to work.”

Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Sen. Villanueva, na malaki raw ang tiwala niya kay Sen. Chiz Escudero na imamandato niya ang pagpapa-drug test sa mga tauhan ng Senado

“I am confident that under the leadership of Senate President Chiz Escudero, this practice will continue, and I believe this is an opportune time to reaffirm our commitment to it as a means of upholding the integrity of the institution,” ani Villanueva.

Dagdag pa niya, “It is very important not only for us senators but for all civil servants to lead by example.”

Matatandaang kamakailan lang ang pumutok ang mga balitang ang dating aktres na si Nadia Montenegro umano ang tinutukoy na staff ni Sen. Robin Padilla na nahuling nagamit ng marijuana sa loob ng opisina ng nasabing senador sa loob ng Senado.

KAUGNAY NA BALITA: 'Ibang session na?' Senado, iniimbestigahan marijuana session ng staff ni Sen. Robin

KAUGNAY NA BALITA: Vape lang? Nadia Montenegro, itinangging gumagamit ng marijuana sa Senado

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.