Tila naging kaabang-abang ang pagbabalik ni Unkabogable Star Vice Ganda sa “It’s Showtime” matapos ang kontrobersiyal na “Super Divas” concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Smart Arenta Coliseum.
Matatandaang pinag-usapan ang naturang concert matapos niyang magbitiw ng biro patungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert
Pero sa latest episode ng” It’s Showtime” nitong Sabado, Agosto 16, hindi naman na siya nagbanggit pa ng anomang reaksiyon at pahayag tungkol dito.
Sa halip ay nagpasalamat na lang siya sa madlang pipol at co-hosts niyang sumalubong ng pagbati para sa sucessful concert at sa nominasyon niya bilang Best Actor sa FAMAS.
“I miss you, everyone. [...] Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. I’m so happy to be back,” saad ni Vice.
“Nakapagpahinga na ako,” pagpapatuloy niya, “Gumagalaw na ‘yong legs ko ulit. [...] Humaba ang tulog ko. [...] ‘Yong tuhod ko, lumambot na ulit. ‘Yong daliri ko sa paa, gumagalaw na ulit.”
Dagdag pa ng Unkabogable Star, “Maraming-maraming salamat po sa nag-uumapaw na pagmamahal ng madlang pipol na ipinagdiriwang natin araw-araw. Thank you very much. I’m very happy.”
Samantala, bukod kay Duterte, nakaladkad din ang pangalan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga biro ng Unkabogable Star sa concert nito.
Habang nakikipag-interact kasi sa audience si Vice ay naispatan niya ang kaibigang sina Lassy at MC Muah na nanonood sa kaniya.
“So you made it,” sey ni Vice Ganda sa dalawa.
Pambubuska pa niya, “Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yong narrative. Mawawalan sila ng content.”
MAKI-BALITA: MC, Lassy sumulpot sa concert: Vice Ganda, 'ipinaubaya' si Cristy kay Bea
Kaya naman sa isang episode ng “Cristy Ferminute,” gigil na gigil na binuweltahan ng matanda si Vice Ganda.
“Anong content? Ano? Inimbento namin ‘yong kuwento? Hindi kami nag-iimbento ng kuwento. May binasa kami. Alam mo ‘yan, MC!” saad ni Cristy.
Dagdag pa niya, “Naku, ha! ‘Wag na kayong mag-utuan. At ‘wag n’yo kaming gamitin.”
Nag-ugat ang isyu sa pagitan ng magkaibigang MC at Vice isang episode ng vlog ng huli noong Mayo.
Kinompronta ni Vice si MC dahil hindi umano marunong makisama habang sila ay nagbabakasyon sa Palawan.
MAKI-BALITA: Vice Ganda nabuwisit kay MC: ‘Hindi marunong makisama!’
Ilang araw matapos nito, sumawsaw si Cristy upang magbigay ng reaksiyon dahil sa ginawang ito ni Vice kay MC.
Aniya, “Masyado akong naapektuhan para kay MC,’yong pagluha niya, ‘yong paghagulhol niya.”
MAKI-BALITA: Cristy Fermin, apektado sa 'pamamahiya' ni Vice Ganda kay MC Muah