December 30, 2025

Home SHOWBIZ

Siwalat ni Long Mejia: ‘Magkamag-anak kami ni Manny Pacquiao’

Siwalat ni Long Mejia: ‘Magkamag-anak kami ni Manny Pacquiao’
Photo Courtesy: Screenshot from Julius Babao (YT)

How true ang tsika ng komedyanteng si Long Mejia na kamag-anak umano niya ang “Pambansang Kamao” at dating senador na si Manny Pacquiao?

Sa latest episode kasi ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao kamakailan, naikuwento ni Long na binigyan umano siya ni Manny ng tsekot, isang kulay gintong Toyota Corolla GLI na sikat na sikat pa noon.

“Binigyan naman ako ni Senador Manny Pacquiao [ng kotse]. Ang kapalit naman niyon, isang kalderong native na manok. Ako ang nagluto. Dapat nakikita ‘yong niluluto ko. Niluto ko ‘yan sa bahay ni Bayani Agbayani,” lahad ni Long.

Dagdag pa niya, “Sa kaalaman ng lahat, bale halos magkamag-anak kami ni Manny Pacquiao. Dahil ang lola ni Manny Pacquiao, Mejia ang apelyido na galing Leyte. Ang Mejia, Leyte galing ‘yan.”

‘Barbie arms na siya!’ Netizens, napansin numinipis na katawan ni Awra!

Iginiit ng komedyante na totoo umano ang rebelasyon niyang ito. Nang una raw silang magkita ni Manny ay sinabi nito sa kaniyang magpinsan sila.

Pero sa kasalukuyan, wala pa namang reaksiyon o pahayag si Manny kaugnay sa siniwalat ni Long patungkol sa ugnayan nila. 

Samantala, bukod sa Pambansang Kamao, isa rin umano ang aktor at komedyanteng si Joey Marquez sa nagbigay ng kotse kay Long matapos niyang makitang nakasakay sa de-padyak ang huli.