December 13, 2025

Home BALITA National

Sigaw ni PNP Chief Torre: 'Lahat ng adik, pangit!'

Sigaw ni PNP Chief Torre: 'Lahat ng adik, pangit!'

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III na walang maidudulot sa mga tao ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa naging panayam ng GMA News kay Torre, sinabi niyang wala raw magandang maidudulot ang paggamit ng droga sa mga lalaki at babaeng "adik."

“Walang mabuting idudulot sa inyo ‘yan. Ang bottomline lang diyan, wala pa akong nakitang adik na maganda at gwapo[...]” saad niya.

Inihayag din niya na lahat ng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at maituturing na pangit.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

“[L]ahat ng adik pangit,” aniya.

Pahabol niya, maaaring gawing halimbawa ng mga tao ang pagkukumpara sa mukha ng mga artistang gumamit ng ipinagbabawal na gamot noon at ngayon.

“Tingnan n'yo ang before and after, [ng isang] artista napakaganda, na-adik, tingnan mo [naging] hitsura,” paglilinaw pa niya.

Samantala, naging matunog ang balitang ito at hindi napigilan ng netizens na putaktehin ng panlalait ang nasabing Chief General. Narito kanilang ilang mga komento:

“Ginisa mo ung sarili mong mantika lalay”

“Di na patok ang paresan kaya nag pnp general si diwata.”

“[D]apat may isang pogi nlang sa PNP nagsabi nyan. hindi ikaw Hahahahaa.”

“Self-confessed? ”

“Paalala: Wag po kayo mag comment ng nakakapangit ”

“Duda ko sayo Mr.Torre ”

“Pangit po ako pero never pa ako nakahawak ng shabu since birth ”

“PAANO CHIEF IKW ANG PANGIT ... IBIG SABIHN ADIK KA RIN.... PAG SURE HA.”

Kaugnay ang panayam na ito ni Torre matapos matimbog sa isang buy-bust operation ng kapulisan sa Puerto Princesa City, Palawan, ang limang estudyante na pinagmulan umano ng kumakalat na sigarilyong tuklaw.

Lumalabas na nasa 19-anyos hanggang 25-anyos ang nahuling mga kawatan at nakuhanan din ang mga ito ng marijuana.

Matatandaang usap-usapan noon ang kaso ng mga nangisay na lalaki matapos silang makahipak ng sigarilyong tuklaw o black cigarette.

Sinasabing delikado ang nasabing sigarilyo dahil naglalaman ito ng kemikal na tinatawag na synthetic cannabinoid na siyang nagiging sanhi ng pangingisay ng mga humihipak nito.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang iba pang maaaring pagmulan ng nasabing sigarilyo at kung saan nakuha ng mga estudyanteng natimbog ang kanilang marijuana.

Mc Vincent Mirabuna/Balita