January 06, 2026

Home SHOWBIZ Events

Sharon ibinida si Frankie, chair ng youth committee ng Senate Spouses Foundation

Sharon ibinida si Frankie, chair ng youth committee ng Senate Spouses Foundation
Photo courtesy: Sharon Cuneta (IG)

Ipinagmalaki ni Megastar Sharon Cuneta ang anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Kakie Pangilinan bilang bagong talagang chairperson ng Committee on Youth ng Senate Spouses Foundation, Inc., sa kaniyang Instagram post noong Agosto 14.

Ang Senate Spouses Foundation, Inc. ay samahan ng mga asawa ng senador, na nagbibigay ng kanilang inisyatibo para sa iba't ibang social civic action, charity, at goodwill.

Sa kasalukuyan, ang pangulo ng samahan ay si Kapuso star Heart Evangelista, na misis naman ni Senate President Chiz Escudero.

"So proud of my baby girl!!! (Swipe left!) @frankiepangilinan" mababasa sa caption ni Mega.

Events

Sexbomb Girls, muling hahataw sa ‘rAWnd 3’ finale concert sa Feb. 6!

Kalakip ng post ang ilang mga kuhang larawan ni Kakie, pati na rin ang sertipikong nagpapatunay ng pagtatalaga sa kaniya, na nilagdaan ni SP Chiz.

Nanumpa si Kakie bilang youth chair noong Huwebes, Agosto 14, sa harapan ni SP Chiz, sa Tolentino Room ng Senate of the Philippines in Pasay City.

Matatandaang sa panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda," sinabi ni Kakie na wala siyang balak pasukin ang politika.

"I understood suddenly gano'n pala ang mga tao actually. Tuwing nagiging politically involved, ibig sabihin may ambition... may interest at least, and I never was that kind of person,” aniya.

“It is really just tao pong Pilipino na nais pong magbago ang mga problema sa Pilipinas and I think that's just really just it, bilang mamamayang Pilipino and hindi po bilang anak ng sino man, dagdag pa niya.

Inirerekomendang balita