December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ralph De Leon, nagsalita na tungkol sa kanila ni AZ Martinez

Ralph De Leon, nagsalita na tungkol sa kanila ni AZ Martinez
Photo Courtesy: Screenshot from Karen Davila (YT), AZ Martinez (IG)

Tuluyan nang tinuldukan ni ”Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” 2nd Big Placer Ralph De Leon ang alingasngas kaugnay sa real-score nila ng kapuwa niya dating housemate na si AZ Martinez.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi ni Ralph na malapit na magkaibigan lang umano sila ni AZ.

“We’re very close friends. We have built such a genuine relationship inside the house, and we continue to do so kahit dito po sa labas,” saad ni Ralph.

Bukas naman daw si Ralph sa pakikipag-loveteam. Pero sa ngayong nasa labas na siya ng Bahay ni Kuya, sinusubukan pa rin daw niyang alamin ang mga bagay-bagay.

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Aniya, “I’m just really going with the flow, trusting what happens next. We always make it a point to catch up; to keep up with everyone.”

“There’s so much noise po talaga na honestly, it gets kind of funny. They try to pit us against each other. [...] Ang laking issue palagi when we’re seen with other people, when we’re seen with other housemates, when we’re seen with people na siguro they wouldn’t like to see us,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagsimula ang pagiging malapit nina Ralph at AZ sa isa’t isa noong maging magka-duo sila sa loob ng Bahay ni Kuya.