December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Kusinerong anak nina Aga, Janice nakailang kurso sa kolehiyo bago nakatapos

Kusinerong anak nina Aga, Janice nakailang kurso sa kolehiyo bago nakatapos
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Walang pakiyemeng ibinahagi ni Chief Luigi Muhlach ang ilang beses niyang pagpalpak sa kolehiyo.

Si Luigi ay panganay na anak ni heartthrob actor Aga Muhlach sa aktres na si Janice De Belen.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Agosto 15, sinabi ni Luigi kung ano-anong kurso ang kinuha niya bago siya napunta sa pagiging kusinero.

“Nag-psychology pa ako, interior design, export management. [...] Wala, ‘di ko tinatapos,” lahad ni Luigi.

Tsika at Intriga

'Naiinis din ako, ano nangyayari?' Regine frustrated na, bet na sulatan si PBBM

Pero dumating umano sa puntong nakaramdam na siya ng pressure. Gusto rin daw kasi niyang maipagmalaki siya ng kaniyang mga magulang.

Aniya, “Siyempre, sobra-sobra na ako sa enjoy masyado no’n,  ‘di ba? Parang sawa na ako. Ayaw ko na. Do’n nag-start na ako. Tinapos ko ‘yong culinary ko.”

“In fact, six six-month course lang ‘yon, Tito Ogie. Kinuha ko ng tatlong taon ‘yon. Kasi nga hindi ko tinatapos, kasi young pa ako no’n. So parang I wanted to do, you know, a lot more stuff,” dugtong pa ni Luigi.

 Ayon kay Luigi, hindi naman daw talaga niya gusto ang culinary noong una. Kinuha lang daw talaga niya para makatapos ng kolehiyo.

Ngunit nang magsimula na raw siya ng training sa mga restaurant ay natutuhanan na rin niya itong mahalin kalaunan.