December 16, 2025

Home BALITA

Vic Rodriguez, pinabo-boycott fast food chain na iniendorso ni Vice Ganda

Vic Rodriguez, pinabo-boycott fast food chain na iniendorso ni Vice Ganda
Photo courtesy: Sarsuwela sa Politika (TikTok screenshot), ViceIonOFC (X screenshot)

Nanawagan ng boykot para sa isang fast food chain ang abogado at dating executive secretary na si Vic Rodriguez nitong Biyernes, Agosto 15, dahil sa komedyanteng si Vice Ganda. 

“Ang pinatutukuyan po natin dito sa i-boycott ay walang iba kung hindi ang nambastos kay Tatay Digong, si Vice Ganda,” panimula ni Rodriguez sa isang video na inupload sa  TikTok account na “Sarsuwela sa Politika.”

Kaugnay ito sa naging jetski joke ng komedyante sa isang concert nito kamakailan na nag-trigger sa maraming Duterte supporters.

"Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag n'yo akong subukan, mga put*** ina n'yo!" ani Vice Ganda. 

National

Notarized affidavit ni Ramil Madriaga, inihain na sa Ombudsman

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

Hinikayat ni Rodriguez na i-boycott muna ang ineendorsong fast food chain ni Vice Ganda. 

“Hindi rin pinaligtas nung Vice Ganda ‘yong ating mga kaibigan sa Iglesia ni Cristo. Kung hindi pa ho kayo nanananghali at nag-iisip isip, wag ho muna tayo mag-Mcdo. McDon’t po muna tayo. Hangga’t si Vice Ganda ang endorser niyan wag muna tayong tumangkilik ng McDonald’s,” ani Rodriguez. 

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Malacanañg sa press briefing nito noong Martes, Agosto 12, kung saan sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace press officer Claire Castro na huwag maging “balat-sibuyas” o maramdamin ang publiko

“Unang-una kasi, concert naman 'yon. Parang show naman 'yon. So, hindi kailangang maging balat-sibuyas ang sinuman," pahayag nito.

KAUGNAY NA BALITA: Resbak ni Claire Castro sa bashers ni Vice Ganda: 'Di kailangang maging balat-sibuyas!'

Sean Antonio/BALITA