Inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawig ng mga benepisyo nito sa ilalim ng programang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT), kung saan 75 na gamot ang puwedeng makuha ng libre simula sa darating na Huwebes, Agosto 21.
Sa launching noong Huwebes, Agosto 14, ibinahagi ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Edwin Mercado na bilang parte ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP), maaari nang makabili ng libre ng 75 uri ng gamot ang publiko na sa mga selektang klinika at parmasya sa bansa.
Ang saklaw ng mga GAMOT ay alinsunod sa listahan ng mga medisina na panggamot sa mga kondisyon tulad ng high blood, diabetes, mataas na kolesterol, impeksyon, asthma, COPD, kondisyon sa puso, nervous system disorders, at iba pa, kung saan, ito’y aabot sa limit na P 20,000 kada taon.
Para mga nais makinabang sa programang ito, mangyari lamang na magrehistro sa pinakamalapit na YAKAP Clinic, eGovPH Super app, PhilHealth Member Portal, o sa kahit saang lokal na health insurance office.
Mahalagang tandaan na mahalagang makakuha ng prescription na may Unique Prescription Security code (UPSC) mula sa isang YAKAP-accredited na doktor
At mula rito, ay maaari nang pumunta sa kahit na saang pasilidad ng GAMOT para ipakita ang prescription at kahit na anong government-issued ID.
Sean Antonio/BALITA